Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
April 28, 2022
Marapat kundenahin at panagutin ang 1st at 80th IB sa ilalim ng 202nd Brigade ng Philippine Army sa garapalang pag-atake sa mga katutubong Dumagat at mamamayan ng Quezon para ipagtanggol ang interes ng mga ganid na dayuhang kapitalista’t lokal na burukrata sa likod ng mga mapanirang proyekto sa Sierra Madre.
Naglilingkod ang mga bayarang 202nd Brigade sa gubyernong China at rehimeng Duterte na promotor ng proyektong Kaliwa Dam na itatayo sa hangganan ng Rizal at Hilagang Quezon; sa kumpanyang Aboitiz at malalaking negosyanteng sina Lucio Tan at Atong Ang na nagtutulak sa proyektong hydropower sa saklaw ng UP Land Grant sa hangganan ng Laguna at Quezon; at sa Real Wind Energy Inc. na nais maglagay ng 58 wind turbine generators sa kabundukan ng Real, Quezon.
Mariing tinututulan ng mamamayan ng TK ang mga nasabing proyekto dahil aagawin ng mga ito ang lupa ng mga katutubo’t magsasaka at sisirain ang kanilang kabuhayan. Malaki ang bantang dala ng dalawang proyektong dam sa kabuhayan ng mga Dumagat at sa kalikasan lalo’t kaakibat nito ang mabibigat na konstruksyon, dislokasyon ng mga pamayanan at pagbabago sa kapaligiran. Napakarami nang siyentista, grupong makakalikasan at taong simbahan ang umapelang hadlangan ang mga dam. Ang Sierra Madre ay susing kabundukan sa Luzon na may mahalagang papel bilang watershed at tahanan ng iba’t ibang halaman at hayop na kritikal sa balanse ng ekosistema.
Hindi iniintindi ng AFP ang malawakang pagkundena ng bayan sa mga mapangwasak na proyekto dahil nagpapasasa ito sa tinatanggap na suhol at pabuya mula sa mga burgesya kumprador at korap na burukrata. Tinutupad ng 202nd Brigade ang utos ng mga kapitalista na linisin ang kabundukan, kaya’t walang patlang ang mabagsik at masinsing operasyong militar hanggang sa interyor na bahagi ng kabundukan ng Sierra Madre. Pangunahin sa tinuturing nilang sagabal na dapat puksain ang NPA na malaon nang ipinagtatanggol laban sa pagkasira ang Sierra Madre at mga komunidad dito.
Sa pagtugis ng AFP sa NPA, hinahalihaw ng mga pasista ang lugar, tinatakot ang masang magsasaka at Dumagat, ginagambala ang matahimik na mga komunidad at pinipwersang palayasin ang lokal na populasyon. Kaya naman ang pagpasok ng mga naturang proyekto ay simula ng kalbaryo ng mamamayan sa hangganan ng Rizal, Laguna at Hilagang Quezon.
Sa bulubunduking tatayuan ng Kaliwa Dam, kasabay ng paggiba sa gubat ang pangwawasak sa mga komunidad. Matinding saywar ang inilunsad dito ng 80th IBPA upang hatiin ang mga pamayanan at tibagin ang kanilang pagkakaisa laban sa dam. Naging talamak ang maramihang pang-aaresto at pekeng pagpapasuko. Humantong ang militarisasyon sa ekstrahudisyal na pagpatay kina Randy at Puroy dela Cruz, mga residente ng Tanay, Rizal, sa Bloody Sunday noong Marso 2021. Ang mga biktima ng kampanyang suko, iligal na pang-aaresto at iba pang paglabag sa karapatang tao ay pilit iniuugnay ng mga militar sa NPA.
Samantala, sa bahaging Laguna-Quezon, pinangangambahan ng mga magsasaka na palayasin sila anumang oras ng mga tropa ng PNP Regional Public Safety Battalion, 1st IBPA at armadong tauhan na diumano’y mga bantay ng UP Land Grant. Ang totoo’y mga sugo sila ng kumpanyang Aboitiz at nina Ang at Tan para walisin ang mga komunidad. Kinukumpiska ng mga ito ang gamit pansaka at sinusunog ang mga panirikan at taniman ng mga residente.
Apektado rin ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Real, Quezon dahil sa presensya ng 1st IBPA sa walong baryong sasaklawin ng Real Wind Energy. Sa malaking operasyong militar nitong Enero, grabeng perwisyo ang dinanas ng mga residente. Naghimpil ang mga sundalo sa barangay hall, nangharas ng mga tao at kinontrol ang kanilang pagkilos.
Ang pinatinding militarisasyon sa Quezon ay tanda ng pagkukumahog na maisakatuparan ang mga anti-mamamayang proyekto laluna ang Kaliwa Dam bago matapos ang termino ni Duterte. Sa harap nito, buong giting na lumalaban ang NPA-Quezon at nagpupunyaging patuloy na ipagtanggol ang interes ng mamamayan. Makailang serye na ng taktikal na opensiba (TO) ang inilunsad ng mga Pulang mandirigma upang pigilan ang konstruksyon ng mga dam at parusahan ang mga mersenaryong sundalo’t pulis na pahirap sa masa. Nitong Abril 18 lamang, isa na namang matagumpay na TO ang isinagawa ng NPA-Quezon laban sa 80th IBPA sa Umiray, Gen. Nakar kung saan dalawang sundalo ang nasawi.
Kinasusuklaman ng mamamayan ng TK ang AFP na instrumento ng pang-aapi ng naghaharing-uri. Marubdob nilang hinahangad na parusahan ang mga pasistang sundalo. Isinisigaw nila ang pagpapanagot sa 202nd Brigade at sa mga amo nito sa panliligalig sa mamamayan at pangwawasak sa kalikasan. Sinisingil din ang rehimeng Duterte na nagbasbas sa todo-largang pang-aatake ng AFP sa Hilagang Quezon at iba pang bahagi ng TK.
Sa kabilang panig, higit na minamahal ang NPA na siyang tunay na tagapagtanggol at kakampi ng masang inaapi. Makakaasa ang bayan na patuloy na dedepensahan ng Pulang hukbo ang Sierra Madre at mga pamayanan dito. Ang Sierra Madre ay para sa mamamayang Pilipino at kanilang salinlahi, hindi sa mga gahamang kapitalista!
Tutulan, labanan, ‘wag pahintulutan ang mga mapangwasak na proyekto sa Sierra Madre!
Militar sa kanayunan, palayasin!###
https://cpp.ph/statements/pagbayarin-ang-1st-at-80th-ib-ng-202nd-brigade-protektor-ng-mga-mapanira-at-mapaminsalang-proyekto-sa-sierra-madre/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.