Tuesday, April 26, 2022

Kalinaw News: Panibagong Engkwentro sa Masbate Naitala, 2 CNT Patay

Posted to Kalinaw News (Apr 26, 2022): Panibagong Engkwentro sa Masbate Naitala, 2 CNT Patay (Another Masbate Encounter Recorded, 2 CNT Dead)



CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Isang engkwentro na naman ang naganap sa pagitan ng pinagsamang pwersa ng 2nd Infantry (SECOND TO NONE) Battalion at Philippine National Police (PNP) kontra sa Communist NPA Terrorist (CNT) sa Barangay Miabas, Palanas, Masbate, alas-dos ng hapon nitong ika-25 ng Abril (Lunes).

Ayon sa report, nagkaroon ng halos walong (8) minutong palitan ng putok ang magkabilang panig matapos magsagawa ng operasyon ang tropa ng gobyerno dahil sa sumbong ng mga residente ukol sa presensya ng aabot sa dalawampung (20) armadong miyembro ng CNT na may planong magsagawa ng pangingingikil at pangre-recruit sa nasabing lugar.

Matapos ang engkwentro, dalawang (2) miyembro ng mga terorista ang naitalang patay na basta na lamang iniwan ng mga kasamahan at agad nagsitakas papalayo.

Dagdag pa rito, ilang mga armas at kagamitan ang narekober sa mga kalaban kabilang na ang isang (1) M16 rifle, isang (1) granada, dalawang (2) claymore mines, limang (5) anti-personnel mines, ilang mga kasangkapan sa paggawa ng pampasabog, sari-saring mga bala, mga kagamitang pang komunikasyon, ilang mga maka-teroristang dokumentong pang propaganda, at ilang personal na kagamitan ng mga terorista.

Samantala, wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng mga sundalo at pulis.

Kaugnay nito, tiniyak ni Lt. Col. Siegfried Felipe Awichen, Battalion Commander ng 2nd Infantry (SECOND TO NONE) Battalion ang mas pinaigting at agresibong mga operasyon laban sa insurhensya sa nasabing probinsya.

Muli namang hinikayat ni Brig. Gen. Aldwine I. Almase, Brigade Commander ng 903rd Infantry (PATRIOT) Brigade, ang mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na magbalik-loob na lamang sa gobyerno habang hindi pa huli ang lahat at upang makapamuhay na lamang ng mapayapa sa piling ng kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, kinondena ni Maj. Gen. Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at Joint Task Force Bicolandia, ang patuloy na pagpapalano ng mga CTG sa pagsasagawa ng mga mapagsamantalang aktibidad at ang paggamit ng anti-personnel mines na nakakasira ng katahimikan sa Masbate.

“Kinokondena po ng pamunuan ng JTF Bicolandia ang mga tangkang panggugulo at pangsasamantala ng mga miyembro ng CTG sa lalawigan ng Masbate lalo na ang patuloy na paggawa at paggamit ng mga teroristang ito ng mga pampasabog na hindi lamang nakakasira ng mga pribadong ari-arian ng mga tao kundi nakakadagdag rin sa patuloy na banta sa mismong buhay ng mga MasbateƱo. Gaya ng nangyari noon sa mga Absalon at iba pang mga sibilyan na namatay at nasugatan dahil sa paggamit ng anti-personnel mines ng mga NPA,” pagbibigay-diin ni Maj. Gen. Luna.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/panibagong-engkwentro-sa-masbate-naitala-2-cnt-patay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.