Tuesday, April 26, 2022

Kalinaw News: Anak ng mag-asawang dating rebelde sa sumuko sa Philippine Army, bininyagan

Posted to Kalinaw News (Apr 26, 2022): Anak ng mag-asawang dating rebelde sa sumuko sa Philippine Army, bininyagan (Son of a former rebel couple who surrendered to the Philippine Army, baptized)



Camp Jorge Downes, Ormoc City – Kasabay sa pagdiriwang ng ika -34 na anibersaryo ng pag organisa ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade, Philippine Army noong Abril 21, 2022 ay ang pag binyag kay Baby Jhana Mae I Depaz na anak ng mag-asawang dating rebeldeng NPA na sina Rutchelle Ilad @ Jero/Liam at ni Rene Boy T Depaz @ Boyet/Yumi/Jade/Ike.

Matatandaan na ang mag-aswang sina Boy T Depaz @ Boyet/Yumi/Jade/Ike at Rutchelle Ilad @ Ka Jeru ay sumuko sa 93rd Infantry Battalion noong ika-13 ng Enero 2022. Isinilang ang kanilang panganay na anak noong ika-3 ng Abril 2022 sa St. Mary Birthing Center sa bayan ng Albuera, Leyte, sa tulong ng mga kasundalohan ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade.

Ang nasabing binyag ay dinaluhan ng mga ninong at ninang mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga kasundaluhan, mga dating rebelde, mga miyembro ng Ormoc Tandaya Eagles’ Club at mga prominenteng negosyante at individwal. Ang naturang mga ninong at ninang ay nakiisa sa hangarin ng 802nd Brigade na mabigyan ng maayos at marangal na binyag ang batang naging dahilan upang mamulat ang kanyang mga magulang upang tahakin ang mapayapang landas ng pagsimula sa pagbuo ng kanilang pamilya. Ang mga ninong at ninang ay pinangunahan nina Commodore Marco Antonio P Gines PCG, Commander, Philippine Coast Guard District Eastern Visayas; Colonel Noel A Vestuir, 802nd Brigade Commander at 25 pang iba.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-asawang Boy at Rutchelle sa kagandang loob na ipinakita ng 802nd Brigade sa kanila. Hindi nila sukat akalain at inaasahan na ang mga sundalong dati nilang tinuturing na mga kaaway ang siyang naging kaagapay sa kanilang pagbabagong buhay at sa pagsimula ng pagbuo ng kanilang pamilya.

Pahayag naman ni Col Noel A Vestuir, “Ang Philippine Army ay nakahandang tumulong sa mga kapatid nating tumiwalag na sa teroristang grupong cpp-npa-ndf na nagnanais na magbagong buhay. Ang pagtulong sa ating mga kapatid na dati ay nalinlang at naligaw ng landas ay isang dakilang gawain na syang magpapatunay na ang Philippine Army ay totoong kumikilala sa International Humanitarian Law, taliwas sa mga binibintang ng mga grupong kaalyado ng cpp-npa-ndf na abusado, pasista at berdugo ang mga sundalo.”

Pinasalamatan din ni Col Noel Vestuir ang mga naging ninong at ninang sa kanilang pakikiisa upang tulungan ang pamilya Depaz sa kanilang pagbagong buhay.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/anak-ng-mag-asawang-dating-rebelde-na-sumuko-sa-philippine-army-bininyagan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.