Sa paggunita sa ika-36 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA ng 1986:Maghanda para ibunsod ang gahiganteng kilusang masa laban sa nagbabadyang diktadura ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte! (In commemoration of the 36th anniversary of the 1986 EDSA Uprising: Get ready to launch the giant mass movement against the looming dictatorship of the Marcos-Arroyo-Duterte alliance!)
Southern Tagalog Regional Committee
Southern Tagalog Regional Committee
Communist Party of the Philippines
February 24, 2022
Napapanahon ang paggunita sa kabayanihang ipinamalas ng kolektibong lakas ng sambayanang Pilipino para pabagsakin ang 14-taong paghahari ng pasistang diktadura ni Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng isang popular na pag-aalsa noong Pebrero 22-25, 1986. Kaisa ng mamamayang Pilipino ang Partido Komunista ng Pilipinas sa pag-alaala at muling pananariwa sa mga aral ng Pag-aalsang EDSA ng 1986.
Malaki ang pagkakahalintulad ng sitwasyong pampulitika sa bansa noong 1986 at sa kasalukuyan. Matindi ang krisis pang-ekonomya ng bansa na nagbubunsod ng krisis sa pulitika sa anyo ng lantarang pagkakabitak-bitak sa hanay ng mga naghaharing-uri. Matindi na ang galit ng taumbayan sa kasalukuyang rehimen at umaalingasaw na ang baho ng presidente sa buong bansa hanggang sa internasyunal na komunidad. Matindi ang pananalasa ng pasismo at terorismo ng estado laban sa lahat ng oposisyon at humahamon sa kasalukuyang administrasyon. Ang kaibhan nga lamang noon, lantaran ang diktadurang paghahari ni Ferdinand Marcos Sr habang di-deklaradong Batas Militar ang ipinatutupad ng nakatayong civillian-military junta ni Rodrigo Duterte—ang NTF-ELCAC. Nahaharap ang buong bansa sa nalalapit na eleksyon na magtatakda ng kasunod na kabanatang sasapitin ng mamamayang Pilipino—mananatili ba ang diktadura o manunumbalik ang demokrasya?
Tulad noon, malilinaw ang indikasyon ng pagsisikap ng naghaharing pangkatin na manipulahin ang resulta ng eleksyon sa kasalukuyan. Tulad ng matandang Marcos, hawak at kontrolado ni Duterte sa kasalukuyan ang COMELEC, AFP, mga kumpanyang nangangasiwa sa mga kagamitan sa halalan, at ang karamihan sa mga local executive officials ng gubyerno. Ang pinakamalaking yaman ng bayan at mga rekursong nakulimbat ng pinakakurap na mga rehimeng Marcos, Estrada, Arroyo at Duterte ay pinagsama-sama para ipanalo ang mga kandidato ng kanilang alyansang sila Bongbong Marcos bilang presidente at Sara Duterte-Carpio bilang bise presidente, kapwa tagapagmana ng trono ng tiranya ng kanilang mga ama. Nakapangingilabot na ang mga rehimen at angkan ng pinakakurap, mandarambong, mamamatay-tao at pasista na naluklok sa kapangyarihan sa nagdaan hanggang sa kasalukuyan ay nagsanib-pwersa para kontrolin at hawakan ang kapangyarihang pang-estado. Higit sa lahat, masakit at hindi katanggap-tanggap para sa mamamayang Pilipino na manumbalik ang angkan ng mga Marcos na pusakal na kriminal, magnanakaw at sinungaling matapos pabagsakin at palayasin ng mamamayan na nagpunyaging makibaka at nagsama-sama sa isang pag-aalsang bayan.
Hindi dapat makabalik ang mga Marcos, Arroyo at Estrada sa kapangyarihan, tulad din ng hindi dapat makapanatili ang mga Duterte sa kapangyarihan. Ang muling pag-akyat ng mga Marcos sa tore ng kapangyarihang pang-estado ay palatandaan ng lalong pagkabulok ng sistemang pampulitika sa Pilipinas na monopolisado ng malalaking burgesya kumprador at ng mga burukratang kapitalista. Para sa mga katulad nilang nanghaharing uri ng malalaking burgesya komprador at panginoong maylupa, walang permanenteng kaibigan at kaaway, ang permanente lamang at pinakamahalaga sa kanila ay ang pagpapanatili ng kanilang mga paksyunal na interes—ang makapaghari at patuloy na magpayaman sa ngalan ng ibayong pang-aapi at pagsasamantala sa mamamayang Pilipino.
Sa reaksyunaryo’t bulok na pulitika, kung sino ang makapagbibigay ng proteksyon sa kanilang mga makasariling interes, dati mang kaaway, o itinakwil na kaibigan, ay kakalingain nila’t susuportahan. Tulad na lamang nila Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos na sumakay sa malawak na disgusto at pagkamuhi ng taumbayan kay Marcos at sumama sa pag-aalsang EDSA, subalit ngayo’y nakakanlong, kundiman nasa likod ng mga Marcos at alyansa nito sa mga Arroyo at Duterte. Tulad ng mga Marcos, Arroyo at Duterte, isinusuka ng mamamayang Pilipino ang mga balimbing at oportunistang na sina Enrile, Ramos at napakarami pang katulad nila na ipinagkanulo ang tagumpay ng Pag-aalsang Edsa at ngayo’y nagkakarerahan para manalo sa papalapit na eleksyon.
Panahon na para muling itanghal ng sambayanang Pilipino ang kanilang kolektibong lakas para ilantad, pigilan at labanan ang nagbabadyang diktadura ng Marcos, Arroyo at Duterte at ng anumang pakana nila upang manipulahin ang resulta ng nalalapit na eleksyon sa Mayo 9. Kailangang muling pabulwakin sa mga lansangan ang malalaking kilos-protesta para tuligsain ang mga maniobra ng rehimeng Duterte at alyansang MAD nang isinasaalang-alang ang mga kinakailangang restriksyong pangkalusugan sa gitna ng pandemya. Pinatunayan ng mga aral ng Pag-aalsang EDSA ng 1986 na hindi sapat ang popular na pag-aalsang bayan para pabagsakin at palayasin ang mga rehimeng kurap at pasista. Kailangang kumpletuhin at lubusin ang tagumpay ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa buong kapuluan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan at ang kasunod na sosyalistang rebolusyon bilang tanging maggagarantiya ng isang lipunang tunay na malaya, demokratiko, masagana at makatarungan para sa lahat ng mga Pilipino na pinagsasamantalahan at inaapi.###
https://cpp.ph/statements/maghanda-para-ibunsod-ang-gahiganteng-kilusang-masa-laban-sa-nagbabadyang-diktadura-ng-alyansang-marcos-arroyo-duterte/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.