Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 24, 2022
Umaalingasaw ang pagiging anti-kapayapaan at sagadsaring pasista ni Bongbong Marcos (BBM) sa kanyang pagpapahayag ng suporta para sa mga programa ng kinamumuhiang NTF-ELCAC at mapanlinlang na localized peace talks na inilalako ng rehimeng Duterte. Layunin nitong kabigin ang suporta ng civilian-military junta na pasimuno ng mapaniil na anti-komunistang kampanya upang magkonsolida ng kapangyarihan at tiyaking maluklok siya sa Malakanyang. Hayagan rin ang kanyang pagtutol sa pagtutuloy ng negosasyong pangkapayapaan sa NDFP at naninindigang hindi siya makikipag-usap sa mga komunista.Talagang nananalaytay kay BBM ang dugo ng kanyang amang pasistang diktador na si Ferdinand E. Marcos Sr. kaya hindi siya dapat hayaang makapwesto sa estado poder.
Matapos mahiwalay sa mga kapwa kandidato sa pagka-presidente, tila bahagyang nagbago ang pahayag ni BBM. Sa nilahukan niyang presidential debate noong Pebrero 16 na inorganisa ng anti-komunista, maka-Duterte’t maka-Marcos na SMNI, ibinandera ni BBM ang localized peace engagement (LPE) at pagpapalawig sa mga programa ng NTF-ELCAC kabilang ang kampanyang pagpapasuko para “lutasin” ang ugat ng armadong tunggalian. Aniya, dapat i-“expand” ang peace talks na katumbas lang ng pagpapatupad ng LPE. Pinuri din niyang “epektibo” ang mga programa ng NTF-ELCAC sa pagsupil sa “insurhensya” kagaya ng kampanyang pagpapasuko at barangay development program. Palatandaang talagang nakikisakay lang siya sa naunang pahayag ng apat na presidentiable noong Enero na bukas sila sa peace talks sa NDFP sakaling manalo.
Tulad ng aasahan sa isang Marcos, pulos panlilinlang at pambabaluktot sa katotohanan ang kaya lang niyang ibuladas at ipagkalat. Matagal nang nalantad ang NTF-ELCAC, ang LPE at iba pang huwad nitong programa bilang mga kasangkapan ng marahas na kampanyang supresyon na nakatudla laban sa mamamayan sa tabing ng gera kontra-terorismo. Palibhasa’y isa ding mangungurakot, walang kahihiyang tinataguyod ni BBM ang barangay development program ng NTF-ELCAC na malaon nang nalantad bilang gatasan at pinagmumulan ng kurakot ng mga tiwaling Heneral ng AFP at PNP kasabwat ang kapwa nilang mangungurakot na mga lokal na upisyal ng gubyerno.
Ginagamit ang LPE upang maghasik ng teror at manghati sa mga komunidad na nakikibaka para sa kanilang kagalingan, karapatan at kapayapaan. Bahagi nito ang mga kampanyang pagpapasuko, mga operasyong saywar at mga huwad at pakitang-taong proyektong ginagawang palabigasan ng mga opisyal militar at LGU. Kasabay nito ang pagbabad ng mga yunit ng AFP-PNP-CAFGU sa mga komunidad na inilulunsad matapos ang ilang linggong walang-patumanggang pambobomba, panganganyon, at pamamaril sa mga sakahan at kabundukan
Sa TK, palasak ng itim na propaganda ng SOLCOM ang diumanong paglahok ng mga larangang gerilya sa mga localized peace talks para siraan ang rebolusyonaryong kilusan at pagmukhaing humihina na ito. Ang totoo, walang nagaganap at magaganap na localized peace talks dahil matatag at nagkakaisa ang buong CPP-NPA-NDFP sa paninindigang dapat ilunsad ang peace talks sa pambansang saklaw.
Samantala, hindi dapat purihin ang NTF-ELCAC, bagkus, dapat na itong buwagin alinsunod sa dati nang panawagan ng mamamayan at maging ng ibang progresibong grupo at personahe.
Hindi nalalayo ang panloloko ni BBM tungkol sa “epektibong” programang kontra-insurhensya ng rehimeng Duterte sa pagrerebisa sa malagim na kasaysayan ng diktadurang Marcos. Gaya ng pagtatakip nila sa puu-puong libong kaso ng paglabag sa karapatang tao noong Martial Law, pilit nilang itinatanggi ngayon ang mga kalabisan at krimeng isinasagawa ng pasistang rehimeng Duterte sa ngalan ng hibang na pangarap na durugin ang CPP-NPA-NDFP. Ang masahol pa, nagpapanggap si BBM na kuno’y panig sa kapayapaan subalit sa pamamagitan ng mapanlinlang na LPE.
Hinihimok ng NDFP-ST ang mga progresibo, makabayan at tunay na lingkod-bayan na suportahan ang muling pagbubukas ng peace talks sa pagitan ng GRP at NDFP sa pambansang saklaw sa susunod na rehimen. Doon maihahapag ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms na nagbabalangkas ng tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon at kumprehensibong programang panlipunan na pakikinabangan ng mamamayang Pilipino.
Balakid si BBM at ang kinabibilangan niyang alyansang Marcos-Arroyo-Duterte (MAD) sa hangarin ng mamamayang Pilipino na kamtin ang tunay, makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa bansa. Dapat gawin ng sambayanan ang buong makakaya upang pigilan ang pakana ng MAD na iluklok si BBM sa tuktok ng kapangyarihan. Nais ipagpatuloy ng MAD ang diktadurang paghahari at pasidhiin pa ang malakolonyal at malapyudal na sistemang ugat ng armadong tunggalian. Pinatunayan ng kasaysayan na sa ilalim ng mga rehimeng Marcos, Arroyo at Duterte, nasadlak ang Pilipinas sa labis na kahirapan at sinikil ang demokrasya gamit ang teroristang paghahari. Imbes na lutasin ang panlipunang ugat ng armadong tunggalian, ang kanilang mga pasistang patakaran at higit pang pambubusabos sa bayan ang nagtutulak sa mamamayan na mag-armas at lumaban.###
https://cpp.ph/statements/bbm-ntf-elcac-at-localized-peace-talks-mga-balakid-sa-tunay-na-kapayapaan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.