Friday, February 11, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pagbabanta ng NTF-Elcac at ni Lorraine Badoy sa mga mamamahayag, kinundena

Ang Bayan Daily News & Analysis posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Web Page (Feb 8, 2022): Pagbabanta ng NTF-Elcac at ni Lorraine Badoy sa mga mamamahayag, kinundena (NTF-Elcac and Lorraine Badoy's threats against journalists, condemned)
 





February 08, 2022

Binatikos ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagbabanta ni Lorraine Badoy ng NTF-Elcac sa Rappler at Vera Files matapos naglabas ang mga ito ng “fact check” na nagpasubali sa sa pahayag niyang mga “operatiba” ng rebolusyonaryong kilusan sa kalunsuran ang mga kinatawan sa blokeng Makabayan sa Kongreso. Ang “fact-check” ay ginagawa ng ilang mamamahayag para imbestigahan ang mga pahayag o balita para tiyakin kung ito’y totoo o hindi. Inilabas ng Rappler ang “fact-check” na naglantad sa kasinungalingan ni Badoy noong Enero 31.

Noong Pebrero 5, tinawag ni Badoy na “dis-impormasyon” ang ginawang pagtutuwid ng Rappler at nagbanta siya ng maghapag ng ligal na aksyon laban dito. Dati nang niredtag ni Badoy at ng NTF-Elcac ang Rappler.

Inatake ni Badoy ang blokeng Makabayan matapos pumasa sa pangatlong pagdinig ang isinusulong nitong ang House Bill No. 10576 (Human Rights Defenders Protection Act), ang panukala na magbibigay ng proteksyon sa mga tagapagtanggol sa karapatang-tao, .

Sa “fact-check” ng Rappler, sinabi nitong ang mga partido sa blokeng Makabayan ay isang koalisyon sa pulitika na kinikilala ng Commission on Elections. Ang mga partidong ito ay dati nang lumalahok sa eleksyong party-list.

Kinundena rin ng Movement Against Disinformation (MAD), isang koalisyon ng mga oragnisasyon at indibidwal, ang bantang ligal na aksyon ni Badoy at ng NTF-Elcac. Anito, layunin ng pagbabanta na pigilan at ihinto ang sistematiko at hindi nakokontrol na pagkalat ng maling impormasyon. Binatikos rin ng koalisyon ang lahat ng porma ng intimidasyon at panghaharas laban sa mga independent na midya at mga fact-checker.

https://cpp.ph/angbayan/pagbabanta-ng-ntf-elcac-at-ni-lorraine-badoy-sa-mga-mamamahayag-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.