BALDOMERO ARCHANGHEL
SPOKESPERSON
NPA-EAST CAMARINES SUR (TOMAS PILAPIL COMMAND)
January 1, 2022
Matagumpay na binigo ng Tomas Pilapil Command ang pagsalakay ng 9th IDPA noong Disyembre 28, 2021 sa Sitio Campo Nueve, Brgy. Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur. Matapos ang humigit kumulang tatlong oras na palitan ng putok, nakasamsam ang mga kasama ng apat na military bags at ligtas na naka-atras mula labanan. Samantala, hindi bababa sa dalawa ang sugatan at isa ang napaslang sa hanay ng kaaway. Sa labis na kabangisan ng pasistang militar, binomba pa nila ang komunidad noong hapon na iyon at maging kinabukasan ng umaga.
Mula nang matapos ang anim na buwang pagpapatupad ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng 83rd IBPA at 96th IBPA at 9th CMO Battalion sa mga bayan ng Lagonoy, Tinambac, Garchitorena at Goa, hindi linubayan ng mga militar ang bahaging ito ng Partido area at nagpatuloy sa mga strike operations. Nitong huling kwarto, ipinatupad naman ang RCSP at hinalihaw ng nasabing mga pwersa, kasama ang 92nd DRC, ang mga bayan ng Caramoan at Presentacion na nagpapatuloy hanggang ngayon.
Dahil bigong maitulak sa gasgasang labanan ang mga kasama sa mahabang panahon ng pag-ooperasyon sa lugar, binabalingan ng militar ang mamamayan ng Partido area na nagdulot ng mga paglabag sa karapatan ng mamamayan. Bago ang pambubomba at istraping sa Lagonoy, pinaslang din ng tropang nagsasagawa ng RCSP si July Barotillo, barangay secretary ng Brgy. Lamon, bayan ng Goa, sa mismong tahanan nito sa Sitio Sua noong Oktubre 1.
Hindi mababawi ng berdugong militar ang kanilang kasawiang gupuin ang mga kasama sa pamamagitan ng pagbobomba ng komunidad o pagpaslang sa mga pinaghihinalaan nilang taga-suporta ng rebolusyonaryong kilusan. Lalo lamang nilang pinagliyab ang kagustuhan ng mamamayang lumaban upang ipagtanggol ang mga sarili at panagutin sila sa kanilang mga krimen.
Para sa mga mamamayan ng Camarines Sur, hindi pa tapos ang laban. Bago pa ang tangkang pag-atake ng kaaway sa mga kasama, matagumpay na nilang naipagdiwang ang ika-53 taong anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Nangako ang lahat na hinding-hindi matutuldukan ng rehimeng US-Duterte ang mahigit 50 taong pakikibaka ng mamamayan ng Camarines Sur at buong bansa.
Ang huling kontra-kubkob na aksyong militar ng mga pulang mandirigma ay patunay na hindi magpapagapi ang mga inaasahan ng mamamayang tunay na hukbo ng bayan. Lagi’t laging naririyan ang TPC, ang mga tunay na tagapagtanggol ng mamamayan ng Camarines Sur at higit pang magpapalakas upang patuloy na magsilbi sa kanila hanggang sa makamit ang hustisya at paglaya.
https://prwcinfo.wordpress.com/2022/01/01/bigo-ang-83rd-ibpa-na-magapi-ang-mamamayan-ng-camarines-sur/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.