Saturday, January 29, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Fact-finding mission sa Bulacan, pinaputukan ng mga maton ng pamilyang Araneta

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 28, 2022): Fact-finding mission sa Bulacan, pinaputukan ng mga maton ng pamilyang Araneta (Fact-finding mission in Bulacan, fired by bullies of the Araneta family)






January 28, 2022

Pinaputukan ng mga armadong maton ni Gregorio “Greggy” Araneta III noong Enero 28 ang mga kasapi ng Kilusang Magububukid ng Pilipinas at Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan-AMB na nagsasagawa ng imbestigasyon sa iligal na pagdemolis sa Lupang Teresa, Barangay San Roque, San Roque, San Jose del Monte, Bulacan. Ninakaw din ng mga maton ang mga selpon, bag, pitaka at dalang relief goods na para sana sa mga pamilyang nawalan ng tahanan.

Naiulat noong Enero 26 na sinalakay ng mga maton ng Araneta Properties Inc. at winasak ang apat na kabahayan at mga pananim sa Lupang Teresa. Ninakaw rin ng mga maton ang mga selpon, pera at iba pang ari-arian ng mga magsasaka. Sinira rin pati ang kanilang mga sasakyan.

Ayon kay Cecil Rapiz, tagapangulo ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan, nagpapakita ng kawalang-puso ng panginoong maylupa ang demolisyong naganap laluna sa gitna ng pagragasa ng baryant ng Covid-19 na Omicron.

Ani Rapiz, taong 2013 pa pinalalayas ang mga magsasaka sa kanilang lupang tinitirhan at binubungkal. Plano ng mga Araneta na magtayo ng pribadong subdibisyon sa kanilang mga sakahan. Winasak nito ang mga taniman ng gulay at prutas ng mga magsasaka. Nilagyan din nito ng harang ang daanan ng kanilang produkto noong Agosto 2021 at sinira ang kubo ng dalawang magsasaka noong Oktubre 2021.

Si Araneta ay asawa ni Irene Marcos, pangatlong anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at bayaw ng tumatakbong presidente na si Ferdinand Marcos Jr.

Samantala sa Negros Oriental, iligal na inaresto ng PNP-Sta. Catalina ang dalawang magsasaka na nag-aani ng kanilang tanim na niyog sa Sityo Baknit, Barangay Nagbinlod. Ayon sa ulat, madaling araw ng Enero 25 sumalakay ang kapulisan sa kanilang tinutulugang kubo at iligal na idinetine sa Sta. Catalina Police Station. Sina Polen Naderna at Christopher Solano ay mga residente ng Sitio Payawpayawan, Barangay Nagbinlod.

Nagpapatuloy ang operasyong militar sa Sta. Catalina mula Enero 20.

https://cpp.ph/angbayan/fact-finding-mission-sa-bulacan-pinaputukan-ng-mga-maton-ng-pamilyang-araneta/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.