ANG BAYAN DAILY NEWS & ANALYSIS
November 29, 2021
Isang serye ng mga pagkilos ang inilunsad ng mga magsasaka mula sa Cagayan Valley para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at igiit na palayain ang kapwa nilang mga magsasaka na ikinulong ng rehimeng Duterte.
Inilunsad nila ang 2-araw na pangangalampag noong Nobyembre 23 at 24 para ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa mga magsasakang taga-Cagayan Valley na inaresto noong Nobyembre 20.
Apat sa kanila ay matatanda na, habang ang isa ay nagpapagaling mula sa stroke. Pinanawagan din ng mga magbubukid ang pagpapalaya kay Amanda Echanis at iba pang mga bilanggong pulitikal.
Sa loob ng dalawang araw, pinangunahan ng Danggayan Cagayan Valley ang mga programa sa harap ng Camp Aguinaldo, Senado, Department of Justice, Commission on Human Rights, at House of Representatives. Inilahad ng mga myembro nito at mga tagasuorta ng mga magsasaka ang tunay na kalagayan ng mga magbubukid sa rehiyon na buong tapang na nakikibaka, sa kabila ng mahirap na abuhayan at pagpapahirap pa ng red-tagging, harassment, militarisasyon, at sapilitan-pekeng pagpapasuko. Tinukoy ng grupo ang NTF-ELCAC na pinamumunuan mismo ni Duterte ang salarin.
Nagpasa rin sila ng mga dokumento at nakapagdaos ng mga dayalogo para sa aksyong-ligal laban sa mga may-salang pulis at militar.
Bago nito, naglunsad ng protesta ang mga magsasaka sa harap ng Camp Crame noong Nobyembre 22.
Lumahok sa mga pagkilos ang grupong Amihan at iba pang grupong demokratiko. Pahayag ng Amihan, napakarami nang naisadokumentong kaso ng pang-reredtag, harasment, pambabanta, pwersahang “pagpapasurender,” pagsasampa ng gawa-gawang kaso, iligal na pag-aaresto at detensyon, pambobomba mula sa ere at iba pang paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ni Duterte.
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/29/mga-magbubukid-ng-cagayan-valley-nagprotesta-sa-pambansang-kabisera/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.