Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 17, 2021): Pagbagsak ng “pag-iral ng batas” sa Pilipinas, ikinababahala ng mga abugado
Tinawag ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na “nakababahala at nakahihiya” ang pagbagsak ng “rule of law” o pag-iral ng batas sa Pilipinas. Alinsunod ito sa inilabas na listahan noong Oktubre 14 ng World Justice Project, isang grupong nagtatasa sa pag-iral ng batas sa 139 bansa o hurisdiksyon.
Sa listahan ng grupo, nasa ika-102 sa 139 bansa sa buong mundo at ika-13 sa 15 bansa sa rehiyon ng Asia sa listahan ng mga nagtaguyod ng batas mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.
Bumagsak ang grado ng Pilpinas nang 2.9% ngayong taon, katumbas ng pagbagsak nang tatlong pwesto sa listahan ng grupo.
Pinakamababa ang grado ng Pilipinas sa larangan ng “Order and Security” (ika-15 sa 15 bansa sa Asia), “Criminal Justice” o pagpapanagot sa mga kriminal (13 sa 15 bansa), “Fundamental Rights” o pagtatanggol sa batayang mga karapatan at Civil Justice kung saan ika-12 ito sa 15 bansa. Mababa rin ang grado nito sa pagpapatupad ng mga regulasyon at pagiging bukas ng paggugubyerno. Mababa ang natanggap nitong grado sa pagtitiyak na hindi naaabuso ang kapangyarihan ng gubyerno (constraints on government powers) at kawalan ng korapsyon.
Ayon sa NUPL, “nakababahala at nakahihiya na muli na namang nasa dulo ang Pilipinas sa isa pang listahan na sumusubaybay sa mga importanteng sukatan ng paggugubyerno tulad ng tugon sa pandemya, korapsyon, kapayapaan at kaayusan at ngayon, sa “pagpapairal ng batas.”
Anito, pinabubulaanan ng ulat ang mga pahayag ng rehimeng Duterte na “gumagana” ang sistemang ligal at hudisyal ng bansa.
Ang pagbagsak ng katayuan ng Pilipinas sa WJP mula nang maupo si Rodrigo Duterte sa poder ay “repleksyon kung gaano kalalim ang ibinagsak ng bansa” sa usapin ng pagtataguyod sa mga karapatang-tao, ayon pa sa NUPL.
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/pagbagsak-ng-pag-iral-ng-batas-sa-pilipinas-ikinababahala-ng-mga-abugado/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.