Posted to the Mindanao Examiner (Sep 2, 2021): 12 na miyembro ng BIFF sumuko sa Philippine Army
ABOUT SA labindalawang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan Faction na nag o-operate sa Maguindanao ang nagbalik-loob kamakailan sa pamahalaan.Ito ay matapos silang sumuko sa headquarters ng 1st Mechanized Infantry Brigade (1MIBde) sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.
Kasabay ng kanilang pagsuko, dala nila ang isang M16 rifle, dalawang M14 rifles, dalawang homemade .50 caliber sniper rifles, dalawang .30 caliber sniper rifles, tatlong rocket-propelled grenade launchers, dalawang improvised explosive devices, explosives, at mga bala.
Sinabi ni 1MIBde Commander Col. Pedro Balisi na ang patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng BIFF ay ang resulta ng mas pinaigting na operasyon ng militar sa nasabing probinsya.
Ang mga sumukong BIFF ay isinasailalim sa custodial debriefing, habang pinoproseso ang kanilang livelihood assistance packages ng lokal na pamahalaan ng Shariff Saydona Mustapha.
Samantala, base sa record ng 6th Infantry (Kampilan) Division abot na sa 150 BIFF ang sumuko sa militar at pulis sa Central Mindanao simula Enero ngayong taon. ( Lean Twinkle Bolongon)
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2021/09/12-na-miyembro-ng-biff-sumuko-sa.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.