Thursday, August 12, 2021

Kalinaw News: TESDA at CTEC Pantukan Naglunsad ng Skills Training sa 48th Infantry (Guardians) Battalion

Posted to Kalinaw News (Aug 12, 2021): TESDA at CTEC Pantukan Naglunsad ng Skills Training sa 48th Infantry (Guardians) Battalion



Pantukan Davao de Oro – Naglunsad ng Skills Training na Organic Agriculture Production NCII ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa 25 na mga sundalo na binubuo ng mga meyembro ng CSP, CDT at CAFGU Active Auxiliary (CAA) ng 48th Infantry (Guardians) Battalion katuwang ang Community Training and Employment Coordinators (CTEC) ng Pantukan sa Headquarters 48IB, Purok 14B Tagaytay, Brgy Magnaga, Davao de Oro ika- 11 ng Agosto 2021.

Ang nasabing training ay isang maikling kurso na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga CAA at sundalo para sa paggawa ng organic farm products kasama ang organic supplements katulad ng fertilizer, concoction o sabon at extracts. Ito ay magsisilbing prequel activity para sanayin ang mga People’s Organization kasama ang Indigenous Peoples na naninirahan sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) at iba pang vulnerable communities. Ang naturang aktibidad ay pormal na bunuksan sa pangunguna ng TESDA Davao de Oro Provincial Director Jasmin Neri at Davao del Norte Provincial Director Remegias G. Timonio, 48IB Commanding Officer Lieutenant Colonel Enrique G. Rafael at CTEC of LGU Pantukan Mr Ferdinand Sanchez. Binigay naman ni Ms Jennifer O Capongpongan, Scholarship Focal, TESDA Davao del Norte ang Training Induction Program. Tiniyak naman ng mga bumubuo ng Skills Training na mapanatili at masunod ang IATF protocol habang isinasagawa ang nasabing training. Ayon kay PD Timonio “Tuturuan natin ang mga katutubo tungkol sa agrikultura. Kaya meron tayong training ng Organic Agriculture Production NC II.Convergence po tayo and TESDA ang nangunguna from input to production to marketing to sustainability. That’s one way of helping our IP community kaya napakalaki ng role ng ating mga sundalo kasi kayo ang magsisilbing Community Based Trainer. With our partnership, marami po tayong magagawa. Magtulungan po tayo para po maisakatuparan ang sabi ng ating Presidente na wakasan ang insurgency.” “I never hesitate to be here in 48IB, that being in collaboration with the men in uniform because we always embrace the mission, vision and goal of TESDA that we always work as a team, as a convergence in the delivery of services. This training means you will capacitated to be trainers and educators in your respective communities,” pahayag naman ni PD Neri. Dagdag ni Mr Sanchez, “Sa message sa atoang Mayor rest assured daw na unsa man ang mga kalihukan especially sa atong 48th Infantry naa lang jud siya, 101% ang iyang support sa inyo. Unsa pa ang pwede niya itabang, ipaabot lang sa amoang opisina kay dili siya mag duha-duha nga ihatag kung unsa man ang mga panginahanglan.” Lubos naman ang pasasalamat ni LTCOL Rafael sa kasanayan na igagawad ng TESDA upang magkaroon ng dagdag kaalaman ang mga CAA at tropa ng Guardians Battalion. Aniya, buo ang suporta ng Guardians Battalion sa lahat ng programa ng LGUs lalo na sa Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ng PTF-ELCAC na pinangungunahan ng TESDA.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/tesda-at-ctec-pantukan-naglunsad-ng-skills-training-sa-48th-infantry-guardians-battalion/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.