Posted to Kalinaw News (Aug 11, 2021): Limang karagdagang dating miyembro ng CTG inabandona ang teroristang grupo sa Camarines Sur
CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Matapos iprisenta ang limampung panibagong mga surrenderers kahapon sa lungsod ng Masbate, lima na namang mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang sumuko ngayong araw, Agosto 11, sa pwersa ng pamahalaan sa Barangay Ibingay sa parehong syudad.
Tatlo sa kanila ay regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) habang ang dalawa naman ay miyembro ng Militiang Bayan (MB). Bitbit nila ang tatlong low-powered firearms at isang gamit ng light anti-tank weapon.
Nabatid na ang pagsuko ng nasabing mga Former Rebels (FRs) ay bunga ng pagtutulungan ng 903rd Infantry Brigade sa ilalim ni Col. Aldwine Almase, 2nd Infantry Battalion (2IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Siegfried Felipe Awichen, Police Regional Office 5 (PRO 5) sa ilalim ni PBGEN JONNEL ESTOMO at ng Coast Guard District Bicol sa ilalim ni Commodore Giovanni Bergantin.
Naniniwala naman si MGEN HENRY A ROBINSON JR PA, Commander ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia, na lalo pang bubuhos ang mga sumusukong miyembro at tagasuporta ng CTG ngayong nakikita nilang totoo ang mga benipisyo at programang nakalaan para sa mga FRs.
“Ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga sumusukong dating rebelde sa Masbate ay hindi lamang dahil sa pagsisikap ng mga sundalo kundi ng mga counterpart natin sa PNP, PCG kabilang na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gayundin ng mga Masbateño. Nagpapasalamat din tayo sa pamilya ng mga panibagong surrenderer na ito dahil sa pagkumbinsi ninyo sa kanilang magbalik-loob na sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng E-CLIP at ng mga programa ng RTF-ELCAC, mas marami kayong matatanggap na benipisyo upang tuluyan na kayong makapagbagong buhay,” ani MGen. Robinson.
Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), makatatanggap ang sinumang FR ng cash, livelihood, educational, housing at medical assistance gayundin ng firearm remuneration para sa kanilang mga isinukong armas.
Samantala, ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) naman ay may mga inilulunsad na programang maaaring makatulong sa mga FR upang makapamuhay ng maayos, masagana at mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/limang-karagdagang-dating-miyembro-ng-ctg-inabandona-ang-teroristang-grupo-sa-camarines-sur/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.