Posted to Kalinaw News (Mar 23, 2021): Disenteng Libing Naibigay sa Dating Lider ng Rebelde
JONES, ISABELA – Binigyan nang disenteng libing ang dating lider ng teroristang New People’s Army ng Regional Sentro de Gravidad, Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley na si Rosalio Canubas o mas kilala sa alyas na Yuni sa pampublikong libingan ng San Guillermo, Isabela noong ika 22 ng Marso taong kasalukuyan.
Ipinagkaloob ng Lokal na pamahalaan ng San Guillermo, Isabela ang kabaong para sa disenteng burol at libing ni alyas Yuni. Dinaluhan ng kasundaluhan ng 86th Infantry Battalion at kapulisan ng San Guillermo ang naturang libing. Samantala, iginawad ni Pastor Daniel Medina ang huling basbas sa bangkay bago ang pag hatid sa huling hantungan.
Matatandaan na, natagpuan ng pinagsanib na pwersa ng 86th Infantry Battalion at PNP San Guillermo ang bangkay ni alyas Yuni sa Brgy Dingading ng nasabing bayan noong ika-17 ng Marso 2021, dalawang araw makalipas ang sagupaan ng teroristang CPP-NPA at kasundaluhan ng 86IB sa Sitio Disulit, Brgy San Mariano Sur ng nasabi ring bayan. Sa nangyaring sagupaan, nagtamo ng matinding sugat si alyas Yuni at hila-hila ng kanilang kasamahang papatakas mula sa pinangyarihan ng engkwentro.
Nakiramay din si Lieutenant Colonel Ali A. Alejo, pinuno ng 86IB, sa pamilya ni Alias Yuni. “Inuulit namin ang aming pakikiramay sa pamilya ni alyas Yuni na hinde man lamang nila nakita ang kanilang kaanak sa huling pagkakataon. Kung hinde lamang siya nalinlang ng CPP-NPA recruiter, maaring buhay pa sana siya ngayon at namumuhay ng payapa kasama ang kaniyang pamilya.
“Muli kaming nananawagan sa mga natitira pang kasapi ng RSDG-KRCV na magbaba na sila ng armas at mabuhay ng tahimik kasama ang kanilang mga pamilya, at nakahanda kami na sila’y tulungan” dagdag ni LTC Alejo.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/disenteng-libing-naibigay-sa-dating-lider-ng-rebelde/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.