From Kalinaw News (Feb 17, 2021): 36 na mga dating rebelde makakatanggap ng libreng pabahay sa Jose Abad Santos, Davao Occidental
Malita, Davao Occidental – Maswerteng makakatanggap ng libreng pabahay ang 36 na mga dating rebelde sa ilalim ng Community Pabahay sa Barangay (CPB) Shelter Program na may temang “Balay Aron Pamilya Mahamugay” ng lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa Brgy. Marabatuan, Jose Abad Santos ng nasabing probinsya.
Sa ginanap na “ground breaking” ng CPB Shelter Program, masayang nagpakitang gilas ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw. Ito ay dinaluhan ng lokal na ahensya ng probinsya, kapulisan at kasundaluhan ng 73IB. Sa katunayan, namigay din ng food packs ang LGU sa mga dating rebelde.
Sa pahayag ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez INF (GSC) PA kanyang nabahagi ang kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa walang sawang suporta sa pagtugon ng pangangailangan ng mga mamamayan.
Laking tuwa at pasasalamat ng mga dating rebelde na sila’y binigyan pansin ng lokal na pamahalaan tungo sa matiwasay na pamumuhay at pagbabagong-buhay. Umuwi sila na may ngiti at pag-asa na makakamit ang kanilang inaasam na bagong buhay sa tulong ng serbisyong handog ng kasalukuyang administrasyon.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/36-na-mga-dating-rebelde-makakatanggap-ng-libreng-pabahay-sa-jose-abad-santos-davao-occidental/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.