Tuesday, January 12, 2021

Kalinaw News: Umaapaw ang mga Ebidensya na Nagpapatunay na mga NPA ang Limang Sawi sa Baras

Posted to Kalinaw News (Jan 12, 2021): Umaapaw ang mga Ebidensya na Nagpapatunay na mga NPA ang Limang Sawi sa Baras



Nais naming sagutin ang ilang mga usapin na binabato ng KARAPATAN-Southern Tagalog sa ating kapulisan, kasundaluhan at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) hinggil sa shootout na kinasasangkutan ng mga elemento ng PNP at Philippine Army at ng mga elemento ng New People’s Army (NPA) na naganap sa Sitio Malalim, San Juan, Baras, Rizal noong Disyembre 17, 2020, madaling araw.

Bago mangyari ang insidenteng ito, nakatanggap ang mga awtoridad ng mga ulat mula sa mga residente hinggil sa presensya ng isang grupo ng mga kahina-hinalang tao sa nasabing lugar. Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para iverify ang katotohanan ng nasabing impormasyon sa kadahilanang ito ay may kinalaman sa national security.

Pagkalipas ng ilang panahon ng tuloy-tuloy na pag-iimbestiga, nakilala si alias Dads/ alias Darwin na isa sa mga susing kadre ng NPA at may warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa lalawigan ng Quezon na kasama sa nasabing grupo. Dahil dito, mas pinatindi ng mga awtoridad ang imbestigasyon at napatunayan na kasapi ng NPA ang nasabing grupo na may isinasagawang aktibidad sa lugar. Sa partikular, natukoy na sila ay mga kasapi ng Sub-Regional Military Area – 4A – Party Committee (SRMA-4A-PC) na nag-ooperate sa lalawigan ng Rizal, ilang bayan ng Bulacan at North Quezon. Ang mga natukoy na elemento ng SRMA-4A-PC ay bahagi ng kanilang intelligence unit at Tax Implementing Group (TIG) na nangongolekta ng extortion money na tinatawag ng NPA na revolutionary tax. Agad nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad para hulihin si alias Dads/ alias Darwin sa bisa ng isang warrant of arrest matapos ang isang serye ng masinsing pagpaplano ng operasyon. Sa aktwal na pangyayari, habang sini-serve ang warrant of arrest, agad silang pinaputukan ng baril ng mga pinaniniwalaang mga bantay ng nasabing grupo.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad. Pagkatapos ng ilang oras ng labanan, narecover ng mga awtoridad ang mga labi ng limang kasapi ng NPA habang nakatakas si alias Dads/ alias Darwin. Kasama sa By 2028, a world-class Army that is a source of national pride Honor. Patriotism. Duty 2018 2015 2014 mga napatay na NPA ay sina Vilma Salabao alias Sandra ng Candangal, Macalelon, Quezon; Wesley Obmerga alias Onli ng Malaking Ambling, Magdalena, Laguna; Carlito Simon ng Calawis, Antipolo City, Rizal; Nino Alberga ng Lambac, Mabitac, Laguna; at Jonathan Alberga ng Numero, Mabitac, Laguna. Nakarecover din ang mga awtoridad ng dalawang M-16 na riple, isang .45 na kalibreng pistola, isang Uzi machine gun, isang .38 kalibre na rebolber, laptop, cellphone, subersibong dokumento at mga dokumentong pampinansya ng NPA tulad ng listahan ng mga negosyanteng nagbibigay ng tinatawag ng NPA na revolutionary tax.

Ilang Usapin Gaya ng sirang plaka na paulit-ulit, agad na ginawan ng kwento ng KARAPATAN-ST ang nasabing insidente na pabor sa NPA at dehado ang mga kapulisan at kasundaluhan. Ang mga sumusunod ang mga isyu ng KARAPATAN-ST na halftruth, twisted truth at outright na kasinungalingan.

Outright lies

1. Ayon sa KARAPATAN-ST, hindi raw NPA ang limang nasawi kundi mga manggagawang-bukid. Simple lang ang paliwanag ng KARAPATAN-ST: ang limang napatay ay mga manggagawang-bukid kaya ibig sabihin hindi sila mga NPA – mga sibilyan sila.

Ang tanong: totoo bang mga sibilyan at manggagawang-bukid ang limang nasawi?

Ayon sa isang sulat na ipinadala ng St. Louis Realty Corporation, ang may-ari ng farm na pinangyarihan ng shootout, sa Baras Municipal Police Station (Baras MPS), si Carlito Simon lang ang itinuturing nilang may koneksyon sa kanilang kompanya bilang freelance overseer. Pero, inilinaw ng St. Louis na bilang freelance overseer ang tanging trabaho lamang ni Carlito Simon ay magbantay ng farm para hindi ito mapasok ng mga squatters. Dagdag pa nito, wala silang kontrol sa oras ng pagtatrabaho ni Simon bilang freelance overseer. Lumalabas na hindi empleyado ng St. Louis ang limang napatay, maging si Simon.

Pinatunayan din ito ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Baras nang maglabas sila ng pahayag na hindi nila residente ang limang nasawi sa encounter na iginigiit ng KARAPATAN-ST para i-justify nila na sibilyan ang mga napatay at hindi NPA. Dito pa lamang, mapapatunayan na hindi sila residente at manggagawang bukid ng St. Louis Realty Corporation. Dito pa lamang, malalaman na pinagtatakpan ng KARAPATAN-ST ang tunay na identity ng limang nasawi. Ngayon, kung hindi sila residente ng San Juan, Baras at hindi rin sila manggagawang bukid, ano sila? Nagpalabas ng isang balita ang Philippine Daily Inquirer na nagsasaad na may na-interview silang ilang residente ng barangay na pinangyarihan ng insidente na ang babaeng nasawi ay nagpakilalang Sandra na tumutugma sa nom-de-guerre ni Vilma Salabao na alias Sandra. By 2028, a world-class Army that is a source of national pride Honor. Patriotism. Duty 2018 2015 2014 Umamin din ang brother-in-law ni Vilma Salabao na NPA ang asawa nito na pinaniniwalaang si alias Luis na kalihim ng Komiteng Larangang Gerilya – Cesar (KLG-Cesar) na nag-ooperate sa Rizal at bulubunduking barangay ng Bulacan. Si Wesley Obmerga alias Onli ay isa sa mga “seasoned” intelligence officer ng SRMA-4A at kolektor ng extortion money sa Rizal. Malaki ang kanyang naging partisipasyon sa mga ambush, pananakot at panununog ng mga equipment ng mga negosyante. Si Carlito Simon, ayon sa intelligence report, ay member ng lokal na yunit gerilya (LYG) ng NPA na nag-ooperate sa area ng Antipolo, Baras at iba pang mga bayan sa paanan ng Sierra Madre. Sa doktrina ng NPA, ang mga LYG, tulad ng milisyang bayan sa mga barangay at sityo, ay itinuturing na “parttime” na NPA.

Bukod dito, maraming mga narecover na dokumento sa crime scene na nagpapatunay na mga NPA ang mga nasawi. Dagdag na ebidensya ito sa mga dati nang mga impormasyon hinggil sa tunay na pagkatao ng mga nasabing nasawi.

2. May akusasyon ang KARAPATAN-ST na may naganap na torture at mutilation kahit na wala silang nagawang forensic examination sa mga labi ng mga nasawi. Ang mga sinasabi nila ay walang basehan kundi mga haka-haka ng mga hindi eksperto sa forensics. Ang sinasabi nilang nagsagawa ng “fact-finding mission” ay hindi kwalipikado at hindi awtorisado na magsagawa ng forensics examination sa mga labi ng mga nasawi. Hindi sapat na ebidensya na makita lamang o mapicturan lang ang labi para makabuo ng pagsusuri sa isang sensitibong kaso. Hindi ito isang laro o simpleng school project. Buhay at legal na usapin ang pinag-uusapan dito. Inaabot ng ilang linggo ang mga propesyunal o eksperto sa forensics bago matapos ang kanilang examination sa mga labi samantalang ang KARAPATAN-ST ay nakagawa agad ng konklusyon na may naganap na torture at mutilation sa mga mga labi sa looban lamang ng ilang oras!

Twisted truth

3. Tila naging expert na ang KARAPATAN-ST sa name-calling sa dami ng mga salitang negatibo na ibinato sa Gubyerno. Madalas nilang baluktutin ang mga legal na depinisyon ng mga salita para umayon sa kanilang propaganda. Hindi ito maganda dahil ang kalayaan sa pagsasalita o free speech ay naaabuso at nagbo-border na sa tinatawag na hate speech. Isang kabalintunaan na ang isang grupo na nagpapakilalang human rights organization ay sila pa ang madalas gumawa ng verbal abuse kapag hindi nasusunod ang kanilang kagustuhan. Halimbawa nito ay ang pagbaluktot sa depinisyon ng salitang massacre. Ginamit nila ang salitang massacre para idescribe ang nangyaring lehitimong encounter sa pagitan ng PNP-AFP at ng NPA na armado ng matataas na kalibre ng baril. Tila layunin ng KARAPATAN-ST na ma-sentionalized ang insidente at makaakit ng atensyon ng publiko sa pamamagitan ng By 2028, a world-class Army that is a source of national pride Honor. Patriotism. Duty 2018 2015 2014 pagsasalarawan sa kapulisan at kasundaluhan na mamamatay-tao – kahit na nalalagay ang sariling buhay ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas.

4. Isa pang halimbawa ng pambabaluktot sa katotohanan ay ang pag- aakusa sa kapulisan at maging sa kasundaluhan na “hostage-taker” nang tumagal ng ilang linggo na hindi narelease ang labi ni Vilma Salabao sa pamilya nito – kahit na alam ng taumbayan na ginagawa lamang ng kapulisan ang kanilang trabaho bilang pagsunod sa mga batas at patakaran sa pagrerelease ng mga labi.

Half-truth

5. Hindi lang pambabaluktot ng depinisyon ng hostage-taking ang ginawa ng KARAPATAN-ST. Hindi rin nila sinasabi sa kanilang post sa social media ang katotohanang sila mismo ang dahilan ng pagkaantala ng pagrerelease ng labi ni Vilma Salabao. Sa mga sensitibong kaso tulad nito, inaasahan na masusing sinusunod ng kapulisan ang protocol sa pagrerelease ng mga labi dahil may kaugnayan ito sa national security. Kahit na alam ng KARAPATAN-ST ang mga protocol na ito, iginigiit pa rin nila ang kagustuhan nila na tila sila ay mga taong may “privileged” na pwedeng i-short cut ang mga patakaran ng sinusunod ng lahat. Bakit mabilis na narelease ang mga labi ng apat na lalaking NPA? Dahil ang pamilya ng mga nasawi ang direktang nakikipag-ugnayan sa kapulisan sa pagpoproseso ng pagrerelease ng labi ng kanilang kaanak. Bukod dito, kumpleto ang kanilang mga dokumento. Sa ganitong mga sensitibong kaso, mas preferred ng mga awtoridad na direktang nakikipag-ugnayan ang mga kapamilya ng labi para mas mabilis ang beripikasyon ng mga identity at dokumento ng mga nagke-claim. Sa kaso ni Vilma Salabao, hindi humarap ang kanyang asawa kung kaya’t ang anak nitong menor-de-edad ang nag-execute ng Special Power of Attorney (SPA) para maclaim ang labi ng kanyang ina. Nauunawaan ng mga awtoridad na mahirap para sa isang dalagita na mabalitaan na ang kanyang ina ay nasawi sa isang encounter kaya inaasahan ng mga awtoridad na hindi nito kakayaning humarap. Pero dahil menor-de-edad ang nagpakilalang anak ni Vilma Salabao, kailangan na mag-execute ng Affidavit of Consent o ng kahalintulad na legal na dokumento ang guardian nito para i-attach sa SPA ng bata. Kinakailangan ang mga legal na dokumentong ito dahil ito ang itinatadhana ng batas at mga patakaran sa pagrerelease ng mga labi sa pamilya o kinatawan ng pamilya nito – lalo pa at sensitibo ang kasong ito. Hindi agad ito ginawa ng KARAPATAN-ST. Sa halip, pinatagal nila ang pageexecute ng nasabing Affidavit para pagmukhaing ginigipit sila ng kapulisan at kasundaluhan at para mapasama sa paningin ng publiko at kaanak ng mga nasawi. Nagkunwaring pabalik-balik sila sa Baras MPS pero hindi kumpleto ang kanilang dokumento. Ginamit nila itong senaryo para makapagsagawa sila ng maliit na rally sa tapat mismo ng Baras MPS sa kabila ng may panganib ng COVID.By 2028, a world-class Army that is a source of national pride Honor. Patriotism. Duty 2018 2015 2014 Dahil nakakahalata na ang mga awtoridad na pinapatagal ng KARAPATANST, nag-initiative ang mga awtoridad na hanapin ang tunay na anak ni Vilma Salabao sa Macalelon, Quezon. Sa tulong ng ating Gubyerno, sa pamamagitan ng mga abogado ng Commission on Human Rights (CHR), nakagawa ng Affidavit ang guardian ng menor-de-edad na anak ni Vilma Salabao. Nairelease ang labi ni Vilma Salabao sa pamilya nito noong Enero 8, 2021.

6. Parang mga batang paslit, tila nagsusumbong ang KARAPATAN-ST sa social media na sila ay nakararanas ng panggigipit at pagsisinungaling sa mga kapulisan at kasundaluhan. Pero, hindi nila sinasabi ang katotohanan na pinagsasabihan lamang sila ng mga kapulisan na icomply na lamang ang kulang na dokumento para marelease na ang labi ni Vilma Salabao. Pinagsasabihan sila na hindi pwedeng baliin o ishort cut ang batas at patakaran sa pagrerelease ng labi. Tumutulong na nga ang kapulisan, sila pa ang pinapasama ng KARAPATAN-ST. Nananatiling nasa composure at propesyunal ang ating kapulisan at kasundaluhan kahit na inuulan sila ng verbal abuse ng KARAPATAN-ST.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/umaapaw-ang-mga-ebidensya-na-nagpapatunay-na-mga-npa-ang-limang-sawi-sa-baras/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.