Posted to Kalinaw News (Jan 12, 2021): Labi ng NPA Leader na nasawi sa baras shootout, narelease na sa pamilya.
Sa wakas!
Nai-turn over na ng Baras Municipal Police Station (Baras MPS) ang labi ni Vilma Salabao alias Sandra, isa sa limang NPA na nasawi sa shootout sa Sitio Malalim, San Juan, Baras, Rizal noong Disyembre 17, 2020, sa pamilya nito noong gabi ng Enero 8, 2021.
Matatandaan na nauna nang nai-turn over ng Baras MPS, sa pangunguna ng Hepe nito na si Police Captain Junard Reglos Briones, sa mga pamilya ng apat na nasawing NPA ang mga labi ng kanilang kapamilya matapos na direktang makipagugnayan at makumpleto ang mga dokumento na kinakailangan para sa pagrerelease ng mga nasabing labi. Hindi tulad ng kaso ng apat na NPA, umabot ng ilang linggo ang labi ni Salabao sa custody ng kapulisan bago mai-released sa pamilya nito sa kadahilanang walang kamag-anak na personal na humarap sa awtoridad at sa kakulangan ng kinakailangang dokumento. Ayon kay Lieutenant Colonel Rimrad Feraer, Commanding Officer ng 80th Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Pinugay, Baras, Rizal, sa mga sensitibong kasong tulad nito, inaasahan na masusing sinusunod ng kapulisan ang protocol sa pagrerelease ng mga labi dahil may kaugnayan ito sa national security. “Mas preferred ng mga awtoridad”, ayon kay Feraer,” na direktang nakikipagugnayan ang mga kapamilya ng labi para mas mabilis ang beripikasyon ng mga identity at dokumento ng mga nagke-claim.”
MENOR-DE-EDAD
Hindi humarap ang asawa ni Salabao dahil pinaniniwalaang ito ay aktibong kasapi ng NPA. Kung kaya’t ang anak nitong menor-de-edad ang nag-execute ng Special Power of Attorney (SPA) para maclaim ang labi ng kanyang ina. By 2028, a world-class Army that is a source of national pride Honor. Patriotism. Duty 2018 2015 2014 Paliwanag ni Feraer, “nauunawaan ng mga awtoridad na mahirap para sa isang dalagita na mabalitaan na ang kanyang ina ay nasawi sa isang encounter kaya inaasahan ng mga awtoridad na hindi nito kakayaning humarap.” Pero dahil menor-de-edad ang nagpakilalang anak ni Salabao, kailangan na magexecute ng Affidavit of Consent o ng kahalintulad na legal na dokumento ang guardian nito para i-attach sa SPA ng bata.
TULONG NG CHR
Sa tulong ng Gubyerno, sa pamamagitan ng mga abogado ng Commission on Human Rights (CHR), nakagawa ng Affidavit ang guardian ng menor-de-edad na anak ni Salabao.
KARAPATAN-ST, ANG TUNAY NA HOSTAGE-TAKER
Inakusahan ng KARAPATAN-ST na “hostage-taker” ang PNP at AFP nang tumagal ng ilang linggo na hindi narerelease ang labi ni Salabao sa pamilya nito. Bwelta ni Feraer sa KARAPATAN-ST, “tila naging expert na ang KARAPATAN-ST sa name-calling sa dami ng mga salitang negatibo na ibinato sa Gubyerno. Madalas nilang baluktutin ang mga legal na depinisyon ng mga salita para umayon sa kanilang propaganda. Hindi ito maganda dahil ang kalayaan sa pagsasalita o free speech ay naaabuso at nagbo-border na sa tinatawag na hate speech.” “Isang kabalintunaan”, dagdag ni Feraer “na ang isang grupo na nagpapakilalang human rights organization ay sila pa ang madalas gumawa ng verbal abuse kapag hindi nasusunod ang kanilang kagustuhan.” Banat pa ni Feraer na hindi rin sinasabi ng KARAPATAN-ST sa kanilang post sa social media ang katotohanang sila mismo ang dahilan ng pagkaantala ng pagrerelease ng labi ni Salabao. “Pinatagal nila ang pag-eexecute ng nasabing Affidavit”, paliwanag ni Feraer “para pagmukhaing ginigipit sila ng kapulisan at kasundaluhan at para mapasama sa paningin ng publiko at kaanak ng mga nasawi. Nagkunwaring pabalik-balik sila sa Baras MPS pero hindi kumpleto ang kanilang dokumento.” Para mapabilis ang pagpoproseso ng pagrerelease ng labi ni Salabao, nag-initiative ang mga awtoridad na hanapin ang tunay na anak nito sa Macalelon, Quezon.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/labi-ng-npa-leader-na-nasawi-sa-baras-shootout-narelease-na-sa-pamilya/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.