Saturday, January 30, 2021

CPP/NPA-Sorsogon: Wala pang hustisya sa pagkamatay ni Jobert Bercasio

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 26, 2021): Wala pang hustisya sa pagkamatay ni Jobert Bercasio

SAMUEL GUERRERO
SPOKESPERSON
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

JANUARY 26, 2021


Share and help us bring this article to more readers.

Kinukundena namin ang paggamit ng PNP-Sorsogon sa rebolusyonaryong kilusan upang makatakas sa kanilang responsibilidad at di masilip ang kanilang katamaran, kainutilan at kawalan ng kakayanang resolbahin ang pagkapaslang kay Jobert Bercasio, isang mamamahayag, noong Setyembre 14, 2020.

Nitong Enero 21, sa pangunguna ni Lt. Col. Benito Dipad, ay idineklara ng PNP na resolbado na ang kaso ni Bercasio at ang BHB ang itinuturong salarin.

Kumbenyenteng sangkalan para sa pulisya ang rebolusyonaryong kilusan para hindi na nila gawin ang nararapat na masusing pag-iimbestiga sa kaso ni Bercasio. Nakagawian na ng PNP ang padaskuldaskol na imbestigasyon sa mga kasong hawak nito–tanda ng kawalan ng tunay na interes na magsilbi sa ikatatamo ng hustisya. Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal ang napakabilis na deklarasyon ng pulisya na resolbado na ang kaso ng paggahasa at pagpatay kay Cristina Dacera samantalang wala pa ni isang salaring nadadakip.

Kung gagawin lamang ng pulisya ang sinumpaan nilang trabaho, hindi imposibleng matuklasan nila na mga kabaro nila ang pumaslang kay Bercasio. Sino ba ang numero unong kaaway ng malayang pamamahayag? Hindi ba’t ang gubyerno mismong pinagsisilbihan ng PNP at AFP?

Ang walang batayang deklarasyon ng PNP na lutas na ang kaso ni Bercasio ay paglapastangan sa kalayaan sa pamamahayag at hustisya.

https://cpp.ph/statements/wala-pang-hustisya-sa-pagkamatay-ni-robert-bercasio/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.