Wednesday, December 30, 2020

Kalinaw News: Focused Military Operations ng Militar, mas pinaigting ngayong Holiday Season

Posted to Kalinaw News (Dec 30, 2020): Focused Military Operations ng Militar, mas pinaigting ngayong Holiday Season



CAMP SIONGCO, Maguindanao – Mas pinalakas pa ng tropa ng militar mula sa 6th Infantry (KAMPILAN) Division ang paglulunsad ng opensiba laban sa mga rebeldeng grupo sa South at Central Mindanao.

Ito ay ayon kay Major General Juvymax R. Uy, ang Commander ng 6ID at ng Joint Task Force Central, bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang tigil na putukan kahit panahon ng pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Dahil dito, sa ginawang opensiba ng militar mula sa pinagsanib na pwersa ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion at ng elemento ng 5th Special Forces Battalion kanilang nasagupa sa Bgry Datu Wasay Kalamansig, Sultan Kudarat ang di mabilang na mga Communist Terror Group, nitong ika-26 ng Disyembre, 2020.

Umabot ng mahigit 20 minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga kalaban. Walang nasaktan sa tropa ng pamahalaan habang may bakas ng dugo sa posisyon ng kalaban na posibleng may mga sugatan o nasawi sa kanilang pangkat.

Sa ginawang clearing operation ng military, nasabat nila ang dalawang backpacks na may lamang mga pagkain, isang bandolier, limang magazines ng M16 (long), 127 rounds ng bala ng 5.56mm at isang Laptop charger.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ng militar ang mga tumakas na mga rebeldeng CTG.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/focused-military-operations-ng-militar-mas-pinaigting-ngayong-holiday-season/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.