Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Nov 26, 2020): Diumano’y Engkwentro sa pagitan ng AFP at NPA sa Mangatarem, Pangasinan: FAKENEWS!
NPA-WEST CENTRAL LUZONCENTRAL LUZON REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
NOVEMBER 26, 2020
Hindi totoo at puro nilubid na kasinungalingan ang ipinamamalitang engkwentro sa pagitan ng New People’s Army at Armed forces of the Philippines noong umaga ng Nobyembre 24, 2020. Ang totoo ay walang yunit ng NPA sa nasabing lugar sa araw na iyon.
Takot at Pinsala sa Kabuhayan: Takot at pinsala sa kabuhayan ang idinudulot ng kasalukuyang operasyong militar sa Brgy. Lawak Langka Mangatarem at mga kalapit na baryo nito. Apektado ang mga residente na hindi makapunta sa kanilang mga pook obrahan na kasalukuyang saklaw ng operasyon. Wala pa man ang nasabing pekeng engkwentro, matagal nang nagdurusa ang mga magsasaka sa lugar. Mariing ipinagbabawal at ikinikriminalisa ang pagkakaingin na kanilang pangunahing hanapbuhay. Sinusunog at ninanakaw ng mga kawani ng DENR at Army ang mga pananim ng masa.
Sa mga baryo sa laylayan ng bundok ng Mangatarem at San Clemente Tarlac, laganap ang programang ENGP (enhanced national greening program) na sa totoo ay walang iba kundi pangangamkam ng lupa sa mga Pambansang Minorya at setler sa lugar. Dito din matatagpuan ang ginagawang DAANG KALIKASAN na sa kasalukuyan ay binuksan bilang lugar na pang Eko-Turismo. Liban sa pagbabawal sa pagkakaingin, at mga proyektong mapangamkam, mariin ding ipinagbabawal ang iba pang hanapbuhay ng masa sa lugar tulad ng paghahunting at pangangalap ng yantok.
Walang habas na pagpapaputok at pambobomba kasabay ng Military Exercise : Mariing kinukundena ng CPP-NPA kanluran gitnang luzon ang walang habas na pagpapaputok at 3 beses na paghuhulog ng bomba, mga alas sais ng umaga sa Brgy. Lawak Langka, Mangatarem.
Ang totoo kasabay ng pekeng engkwentro, kasalukuyang ginaganap ang AJEX DAGIT-PA (AFP Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa) na inilulunsad ng AFP kasama ang Philippine Airforce, Philippine Navy, Philippine Army at Special Operations Forces. Mula November 23- December 4 magaganap ang nasabing military exercise sa mga eryang saklaw ng NOLCOM (Northern Luzon Command). Lagi ng ginagawa ng AFP ang kanilang mga ehersisyong militar sa mga komunidad at pamayanan kasabay ng mga aktwal combat operations na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga sibilyan. Ang pagpapalabas na may naganap na engkwentro ay pagbibigay katwiran lamang sa kanilang ginawang pagpapaputok at pambombomba na nagsasapeligro at buhay at kabuhayan ng Mamamayan.
https://cpp.ph/statements/diumanoy-engkwentro-sa-pagitan-ng-afp-at-npa-sa-mangatarem-pangasinan-fakenews/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.