Sunday, October 18, 2020

Tagalog News: First Scout Ranger Regiment, may bagong commander

From the Philippine Information Agency (Oct 18, 2020): Tagalog News: First Scout Ranger Regiment, may bagong commander (By Shane F. Velasco) 

SAN MIGUEL, Bulacan, Oktubre 18 (PIA) -- Pormal nang hinirang ng Philippine Army bilang bagong commander ng First Scout Ranger Regiment o FSRR si Col. Freddie Dela Cruz kapalit ni Outgoing Commander BGen. William Gonzales.

Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang change-of-command ceremony na ginanap sa Kampo Simon Tecson na nasa barangay Tartaro sa bayan ng San Miguel.

Bago maging regiment commander ng FSRR, naging deputy group commander ng Presidential Security Group si Dela Cruz.

Sa larangan naman ng combat, namuno siya bilang commanding officer ng 4th Scout Ranger Battalion sa Mindanao at ang 3rd Scout Ranger Company sa Visayas.

Isang kasapi ng Tanglaw-Diwa Class of 1992 sa Philippine Military Academy at saka nagtapos ng pagiging isang Scout Ranger.


Bukod dito, kumuha rin siya ng hiwalay na scout ranger course sa United States Army sa Fort Benning sa state of Georgia hanggang matamo ang master’s degree sa National Security Administration mula sa National Defense College of the Philippines.

Kaugnay nito, kinilala ng Philippine Army ang mga naging ambag ni Gonzales sa kanyang pamumuno sa FSRR.

Kabilang diyan ang pagkaka-neutralized sa 150 indibidwal na mga kalaban ng estado. Kasama na riyan ang dalawang Abu Sayyaf Group sub-leaders at nakapagkumpiska ng 130 na iligal na mga armas.

Pinapurihan din siya sa inisyatibo na mapagkalooban ng mga skills at livelihood training ang mga wounded-in-action na mga kawal ng FSRR. (CLJD/SFV-PIA)

https://pia.gov.ph/news/articles/1056127

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.