Posted to the Palawan News (Oct 2, 2020): Simbahan at mga paaralan, patuloy na target ng recruitment ng NPA (By Bryan Sebastian)
Ayon kay Cpt. Christopher Jorquia ng PAF, ang gawain nito ng recruitment mula sa loob ng simbahang katoliko at protestante at pagpapatuloy ng gawain nito noong noong 70s.Talamak pa rin ang pagre-recruit ng New People’s Army (NPA) at ang sektor ng mga kabataan at simbahan ang patuloy na tina-target nito, ayon sa isang opisyal ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay Cpt. Christopher Jorquia ng PAF, ang gawain nito ng recruitment mula sa loob ng simbahang katoliko at protestante at pagpapatuloy ng gawain nito noong noong 70s.
Tinawag niya na “methodical at sistematiko” ginagawang ito maging sa mga paaralan.
Ayon kay Jorquia, ito ay pinatunayan ng mga dating miyembro ng NPA tulad ni Agnes Lopez Reano na tumutulong ngayon sa pamahalaan na maipaunawa sa mga mamamayan ang totoong pagkilos ng mga makakaliwang grupo.
“Base sa kanyang mga pahayag, isyu na noon ang recruitment sa mga estudyante kung saan sumuko siya noong 1993 at sinimulan na ipamahagi ang katotohanan na ang mga paaralan ang nagsisilbing balon ng kadre, lalo na ng mga pampulitikang kadre,” sabi ni Jorquia.
Nakita ni Reano sa loob ng samahan na ang mga batang nasa Grade 4 pa lang ay nare-recruit na ng mga NPA at kapag tinanong ang mga bata kung ano ang pananaw nila sa NPA, bayani at tagapagligtas ang nabuong persepsyon sa kanilang mga isip, kuwento ni Jorquia.
Sabi pa niya, ito ang dahilan kung bakit ninanais nila na ipaunawa sa bawat mamamayan ang katotohan ng sa gayon ay hindi na maulit ang pagkakamali na nagdudulot lang nang pagkaantala ng kapayapaan at kaunlaran sa Pilipinas.
“Ito ba yong pananaw na nais nating maitanim sa kaisipan ng mga batang ito na dapat sana ay nag-aaral at nangangarap na magkaroon ng magandang buhay?” tanong niya.
“Ayaw naman natin na ang mga susunod na henerasyon ay malulunod ng paulit-ulit sa problema ng insurhensya at terorismo sa bansa,” dagdag niya.
Aniya, kinakailangan na ang mga kabataan ay magkaisa na maging mulat sa mga maling gawain ng mga front organizations ng CPP-NPA, at hindi dapat maging bulag sa totoong kahulugan ng pagmamahal sa bayan.
Naniniwala rin siya na marami sa sektor ng simbahan ang nagnanais ng sinserong pagbabago sa ating bansa.
“Panahon na para putulin natin ang pisi ng kanilang pananamantala at pagpapasabog ng kasinungalingan sa ating mga kababayan. Panahon na para doble-kayod natin pagtrabahuhan na magkaroon ng kinabukasan na malaya sa kasinungalingan at kaguluhan na dala ng mga communist terrorist groups,” pahayag niya. (Contributed article)
https://palawan-news.com/simbahan-at-mga-paaralan-patuloy-na-target-ng-recruitment-ng-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.