Friday, October 2, 2020

Kalinaw News: NPA sumuko, hirap at pagod ramdam

Posted to Kalinaw News (Oct 2, 2020): NPA sumuko, hirap at pagod ramdam

ARAKAN, NORTH COTABATO – Sumuko sa 16th Infantry (MAGLILINGKOD) Battalion ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy Poblacion, Arakan, North Cotabato kahapon, ika-30 ng Setyembre ng taong kasalukuyan.



Isang nagngangalang alyas “Lucas/Boljack”, miyembro ng Squad Primera ng LGU 2 sa ilalim Guerilla Front 53 ng New People’s Army (NPA) ang kusang sumuko. Kasama sa kanyang pagsuko ang isang (1) Caliber 45 at anim (6) na bala. Ayon sa kanyang salaysay, hirap at pagod sa loob ng kilusan ang nagtulak sa kanya upang sumuko at kanyang naunawaan na walang saysay ang idelohiyang kanilang pinaglalaban.

Hinikayat din niya ang iba pa para sumuko at nagresulta naman sa pagsuko ng nagngangalang alyas “King”, dating miyembro ng Pulang Bagani Command (PBC) 2 ng NPA. Sinurender din niya ang isang (1) Carbine Rifle, isang (1) magazine at walong (8) bala. Gayundin ang isang nagngangalang alyas “Kiko”, CO ng Milisyang Bayan (MB) na inorganized ng GF53 ng NPA, ang boluntaryong sumuko sa 16IB, dala niya sa kanyang pagsuko ang isang (1) Caliber 38 at limang (5) bala.

Ang mga nasabing personalidad at mga armas na isinuko ay nasa pangangalaga na ng 16IB.

Ang boluntaryong pagsuko ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ay nagpapakita na marami ng gustong magbalik-loob sa ating gobyerno. Ito ay resulta din ng pagpapatupad ng Executive Order No. 70 series of 2019 o Whole of the Nation Approach in Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno. Naglalayon din itong mabigyan ng panibagong buhay ang ating kababayan na naligaw ng landas dahil sa mga panlilinlang ng Teroristang NPA.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/npa-sumuko-hirap-at-pagod-ramdam/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.