Friday, October 23, 2020

Kalinaw News: Ronda Probinsya Program ibinahagi sa People’s Organization

Posted to the Kalinaw News (Oct 22, 2020): Ronda Probinsya Program ibinahagi sa People’s Organization (By 10th Infantry Division)



Malita, Davao Occidental – Nakatanggap ang Matlusi Farmers Association ng mga ayuda na ibinahagi ng Ronda Probinsya Program ni Cong. Ruel Pacquiao sa Brgy Mabuhay, General Santos City, nitong umaga ng Oktubre 21, 2020.

Tinanggap ni Manuel Masamloc, miyembro ng asosayon ang mga ayuda gaya ng 10 sako ng bigas, 7 kahon ng chick loaf, asukal at kape, 2 box ng noodles, insectisides, tubo para sa Comfort room at mga face mask. Pansin na ang mga binigay ay magagamit ng mamamayan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Ibinahagi ni Manuel ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong makatanggap ng tulong mula sa programa. “Naglisud kami sa bukid. Mao nga gipasalamatan ko si Cong. Si Pacquiao sa paghatag sa mao nga hinabang tungod kay dako kini nga tabang sa aton labi na ang mga nawad-an sa trabaho tungod sa pandemic,” kanyang sabi. (Hirap na kami sa bundok. Kaya naman nagpapasalamat ako kay Cong. Pacquiao sa pagbigay ng ganitong ayuda sapagkat napakalaking tulong na ito sa amin lalo na sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya)

Nais ding magpasalamat ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, sa pagtulong ng programa sa mga komunidad sa kabundukan. “Ang insurgensiya sa kabundukan ay mawawala at kapayapaan ay makakamit kung ang mga ahensya ay magtutulungan. Kung kaya, ang Ronda Probinsya Program ay nakatulong ng malaki sa mga mamamayan ng Sarangani Province sa pagpapanatili ng kapayapaan,”

Layunin ng programang Ronda Probinsya na bigyan ng pangkabuhayan at pagkakataon ang mga sambayanan ng Sarangani na makapagbagong-buhay sa gitna ng pandemya at paglisan ng nanggugulong mga terorista sa kabundukan.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/ronda-probinsya-program-ibinahagi-sa-peoples-organization/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.