Thursday, October 8, 2020

Kalinaw News: Mga Pulis tinambangan ng NPA, mga guro tinamaan sa Jiabong, Samar

Posted to Kalinaw News (Oct 8, 2020): Mga Pulis tinambangan ng NPA, mga guro tinamaan sa Jiabong, Samar

CAMP LUKBAN, CATBALOGAN CITY, SAMAR – Mariing kinokundina ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, ang pananambang ng mga teroristang NPA sa Barangay Tagbayaon, Jiabong, Samar, Miyerkules ng umaga kung saan isang pulis at tatlong sibilyan kabilang ang dalawang guro ang nasugatan.

Kinilala ang mga sugatan na si Patrolman Ace Denver Aharuddin na nakadestino sa Pinabacdao Police Station, at mga guro na sina Erixon Gacumo at Realy Del Rio at sibilyan na si Elma Geli.

Pawang papuntang Catbalogan City ang patrol car ng Pinabacdao Police Station at kasunod nitong pribadong van na sinasakyan naman ng mga guro at sibilyan, nang biglang pasabogan at ratratin ng mga teroristang NPA.

Agad namang naisugod sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng minor na sugat sa katawan.

Narekober sa pinangyarihan ang isang bomba, mga basyo ng bala, electrical wires at mga naiwang pagkain ng mga rebelde.

Ayon kay 8th Infantry Division Commander, Major General Pio Q Diñoso III, ang ginawang pag-atake ng NPA ay para ipakitang kunyari ay malakas pa sila at takutin ang mga taong dati ay napipilitang sumuporta sa kanila.

“Hindi na takot ang nararamdaman ng sambayanan kundi galit. Lalo pa’t maging mga guro at sibilyan ay kanilang dinadamay. Sawa na at sinusuplong na sila ng tinuturing nilang mga masa. Paliit na ng paliit ang mundo nila dito sa Silangang Bisayas,”dagdag pa ni Diñoso.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-pulis-tinambangan-ng-npa-mga-guro-tinamaan-sa-jiabong-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.