Saturday, October 24, 2020

Kalinaw News: Dating sentro ng bakbakan , binisita ng pinuno ng Joint Task Force Sulu

Posted to the Kalinaw News (Oct 24, 2020): Dating sentro ng bakbakan , binisita ng pinuno ng Joint Task Force Sulu



Patikul , Sulu-Sa kabila ng napakalakas na ulan , madulas na daan at banta mula sa mga teroristang Abu Sayaff, masayang binisita ng buong liderato ng 11th Infantry ” ALAKDAN” Division sa pamumuno ni Major General William N Gonzales, Philippine Army ang Brgy Kabbontakas , Patikul Sulu noong ika 23 ng Oktubre 2020.

Ang Barangay Kabbontakas ay isa mga barangay na naging sentro ng bakbakan sa pagitan ng mga military at ASG sa mga nakaraang taon. Ito ang nagbunsod upang lisanin ng mga residente ang lugar at mamuhay bilang mga IDPs sa mga katabing barangay simula 2017. Sa magkatuwang na proyekto ng Lokal na Gobyerno ng Patikul sa pamumuno ni Mayor Kabir Hayudini at ng 1102nd Brigade sa ilalim ni Brigadier General Ignatius N Patrimonio Philippine Army, unti – unting inihahanda ang mga tao at lugar upang kala una’y makabalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan.

Upang masiguro na umuusad ang programa, mismong sina MGen Gonzales at Mayor Hayudini kasama sina BGen Patrimonio, Col. Bautista ng 1101st Bde, Col. Ampatuan at mga Battalion Commanders ng 6SFBn, 45IB,15CMOBn at 545Engr Bn ang bumisita sa kasalukuyang ibinabangon na komunidad. Si District Engineer ng DPWH na si Engr Ajan Ajijul ay buong loob din na sumama upang ipakita ang suporta sa kanyang mga kababayan.

Sa nakitang determinasyon at sakripisyong ibinibigay ng mga sundalo at ang Lokal na Gobyerno sa kanyang barangay, emosyonal na nagpasalamat si Hon Ahajuli Ahajani sa buong kasundaluhan ng 11th Infantry Division sa pamumuno ni MGen Gonzales. Ayon pa sa kanya ” hindi namin muling mababalikan ang aming lugar , kung hindi sa mga sundalo na nagbibigay ng pag -asa , seguridad at walang humpay na tulong sa muli naming pagbangon bilang isang barangay” .

Ang mga residente ng Brgy Kabbontakas ay nakatakdang bumalik sa kanilang lugar ngayong buwan ng Nobyembre sa ilalim ng Balik Barangay Program . Sa kasalukuyan, magkatuwang na inihahanda ng mga sundalo,LGU Patikul, DPWH at mga residente sa ilalim ng pinagsamang ahensya sa loob ng MTF ELAC, Patikul ang lugar sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga panibagong mga bahay , water system at iba pang pangunahing pangangailangan ng isang komunidad.

Ang MTF ELAC ng Patikul ay pinangungunahan ni Mayor Hayudini na aktibong pinakikilos ng sectetariat nito sa pangunguna nina HRMO Salip Sakip Ali , MDRRMO Eleonor Hayudini, SB Sec Alfidzrah Maharael, MPDO Luzviminda Hayudini , PIO Rosalain Insani at representante mula sa iba’t ibang sangay ng Gobyerno tulad ng AFP , PNP at PCG .

” Walang iwanan! Iyan ang ating naging kasunduan na lalong pinagtibay ng ating Peace Covenant noong nakaraang Agosto. Kaya’t ang 1102nd Brigade sa ilalim ng Joint Task Force Sulu ay makakasama ninyo hanggang sa tuluyang makabalik at makabangon ang Barangay Kabbontakas. Kami’y hindi lang inyong mga sundalo kundi inyo ding mga kaibigan na inyong maaasahan sa programang pangkapayapaan at pangkaunlaran ” pahayag ni BGen Patrimonio.






[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/dating-sentro-ng-bakbakan-binisita-ng-pinuno-ng-joint-task-force-sulu/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.