ISANG SKILLS training ang isinagawa sa Agusan del Norte na nilahukan ng mga dating rebelde, tokhang surrenderees at indigenous peoples (IPs) at mga sundalo upang maging trainers sa kani-kanilang kumonidad hinggil sa organic agricultural production.
Ayon kay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Agusan del Norte provincial director Rey Cueva, ang team ng mga trainees ay kinabibilangan ng mga sundalo, former rebels, IP, tokhang. Ang nasabing training ay magbigay sa kanila ng kabuhayan at ang skills na kanilang matutunan ay magbibigay dinsa kanila ng trabaho.
Ang Agusan del Norte ay isa sa mga prayoridad na bigyan ng nasabing training, dagdag ni Cueva.
Mas madaling madeploy sa mga skills training kung ang magconduct nito ay mga taong kakilala na rin sa kumonidad, ayon kay TESDA Caraga regional director Ashary Banto.
Malaki ang pasalamat ni Samuel Calonzo, ang Agricultural Training Institute (ATI) regional director, dahil napiling maibahagi ang agrikultura sa kumonidad lalo na ang organic farming. Ang mga kalahok sa pagsasanay ay maging responsable sa pagturo sa komunidad sa kahalagahan ng organic agriculture farming, ani ni Calonzo.
Sumailalim sila sa tatlong araw na training partikular sa organic vegetable at native chicken production. Ang probinsya sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office ang magbibigay ng seedlings a itatanim at ang ATI naman ang demo farms sa komunidad.(By Nora C. Lanuza)
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2020/09/dating-rebelde-tokhang-surrenderees-ips.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.