Jose Abad Santos, Davao Occidental – Nabenepisyohan ang mga miyembro ng MATAKA Community Association sa Negosyo Serbisyo sa Barangay Program ng Department of Trade and Industry sa lugar ng Brgy Kalbay ng nasabing bayan.
Dito ang dalawampung (20) former rebels na mga miyembro ng MATAKA ay nabigyan ng training at program upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa paghahanap-buhay. Kasama ng DTI ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), PSWDO at Municipal Agriculture Office na siyang nagturo sa mga miyembro kung pano gumawa ng hollow blocks, pot-making at laundry soap.
Ayon kay @Marco laking pasasalamat niya dahil binigyan sila ng oportunidad na paunlarin pa ang kanilang asosasyon. “Gagawin namin ang lahat upang mapaunlad at hnd madismaya ang gobyerno sa mga tulong na binigay sa amin.”
Sa pahayag naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB: “Ito na ang bunga ng ELCAC na pinatupad ng ating Pangulo. Kung kayat sa nilagdaang Anti Terrorism Law, kami ay sumusuporta at gagawin ang lahat upang protektahan ang sambayanang Pilipino. Rest assured na ito ay aming ipapatupad ng tama at hindi sasamantalahin ang nasabing batas.”
Binigyan din ang asosyasyon ng hollow block molder, shovel, at semento bilang puhunan sa kanilang hanap-buhay.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/negosyo-serbisyo-sa-barangay-program-para-sa-mga-mataka/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.