Wednesday, June 17, 2020

Tagalog News: Kapitolyo ng Zambales, 3rd Mech namahagi ng bigas sa mga katutubo

From the Philippine Information Agency (Jun 17, 2020): Tagalog News: Kapitolyo ng Zambales, 3rd Mech namahagi ng bigas sa mga katutubo (By Trixie Joy B. Manalili)

BOTOLAN, Zambales, Hunyo 17 (PIA) -- Namahagi ng may kabuuang 3,252 sako ng bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales at 3rd Mechanized Infantry Battalion o 3rd Mech bilang ayuda sa mga katutubo sa Botolan.

Ayon kay 3rd Mech Commanding Officer Lieutenant Colonel Norberto Aromin Jr., patuloy na nakikipagtulungan ang Hukbong Katihan ng Pilipinas sa mga stakeholder nito upang matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Pahayag ni Aromin, bawat pamilya ay tumanggap ng isang sakong bigas. 


Higit 3,000 sako ng bigas ang ipinamigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales at 3rd Mechanized Infantry Battalion bilang tulong sa mga katutubo sa Botolan, Zambales. (3rd Mechanized Infantry Battalion)

Aniya, 1,044 sako ng bigas ang naibahagi sa Barangay Poon Bato; 620 sa Barangay Burgos; 447 sa Barangay Villar; 270 sa Barangay Belbel; 358 sa Barangay Moraza; 174 sa Barangay Maguisguis; 225 sa Barangay Nacolcol at 114 sa Barangay Palis.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Mayor Doris Maniquiz sa lahat ng mga nagkaisa upang maihatid ang tulong sa mga kababayan niyang lubos na naapektuhan ng pandemya. (CLJD/TJBM-PIA 3)

https://pia.gov.ph/news/articles/1045075

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.