CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Dahil sa puspusan at patuloy na pagpapatupad ng EO #70 o Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng mga kasundaluhan ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion, Philippine Army kasama ang ilang tropa ng Marine Battalion Landing Team 10 at ng 54th Infantry (Magilas) Battalion sa kanilang nasasakupan ito ay nagresulta muli sa pagkarekober ng dalawang improvised shotgun na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG,KRCV) sa San Mariano, Isabela noong ika-6 ng Mayo 2020.
Ayon kay LTC Gladiuz C Calilan, Commander ng 95IB, ang pagkarekober ng nasabing mga baril at mga bala ay dahil sa patuloy na pagsuporta at kooperasyon ng komunidad ng San Mariano at mga karatig bayan nito sa ating mga kasundaluhan upang tapusin ang terorismo sa lambak ng Cagayan Valley.
Ayon kay Brigadier General Laurence E Mina, Commander ng 502nd Infantry Brigade, namulat na ang mga kababayan natin sa mga kasinungalingan at panloloko ng mga Komunistang Teroristang NPA sa mga nasabing lugar na siyang nagresulta ng agarang pagkabuwag ng Central Front ng Komiteng Rehiyong Cagayan Valley.
Ipinapaabot ni MGen PABLO m Loranzo AFP, Commander, 5ID, ang mensahe ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) noong ika-12 ng Mayo 2020 na may Php2, 000,000.00 pabuya sa sinumang makapagbigay impormasyon sa presensya at pagkadakip o neutralisa ng mga matataas ng pinuno ng Komunistang NPA, katulad ni EVANGELYN RAPANUT @Chat/Marsha (Secretary ng KR-CV) sa Rehiyon ng Cagayan Valley, at sina SIMON NAOGSAN SR @ Filiw (Secretary ng ICRC) kasama si JACINTO FARODEN @ Digbay na may patung sa ulo na Php5,200,000.00 na pawang gumagalaw sa Rehiyon ng Cordillera na binansagang utak ng mga naganap na terorismo sa buong rehiyon ng Cagayan Valley at Cordillera.
Pinuri naman ni niya ang kanyang kasundaluhan kabilang ang mga sibilyan sa pakikipagtulungan at pakikiisa nila kung kaya patuloy ang pagbagsak ng KR-CV ng CPP-NPA sa Lambak ng Cagayan Valley. Pinapaabot din niya ang kanyang mensahe sa mga kasapi ng komunistang grupo na magbalik-loob at huwag nang hayaang mawasak o masira ng maling idelolohiya ang kanilang buhay habang may pagkakataon. Ang ating pamahalaan ay laging handang tulungan kayo sa inyong pagbabagong buhay kasama ang inyong mga pamilya at nang makatamtan niyo ang tunay na kapayapaan. Sapagkat may Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) bilang programa ng ating pamahalaan sa bawat rebeldeng magbalik-loob na syang magsilbing lunas sa pagiging biktima ng maling ideolohiya at bilang panimula ng panibagong buhay kagaya ng mga naunang tinalikuran ang pakikibaka at tinatamasa ang mga nasabing programa kasama ang kanilang mga pamilya.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.