Friday, May 1, 2020

Kalinaw News: Mga sundalo ng Philippine Army, nakabawi ng karagdagang matataas na kalibre ng mga baril sa Masbate

Posted to Kalinaw News (May 1, 2020): Mga sundalo ng Philippine Army, nakabawi ng karagdagang matataas na kalibre ng mga baril sa Masbate (By 9th Infantry Division)



CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Ilang matataas na kalibre ng mga baril na pagmamay-ari ng mga pinaniniwalaang myembro ng teroristang grupong NPA ang nabawi ng mga sundalong nagsasagawa ng operasyon sa bayan ng San Fernando, probinsya ng Masbate, ngayong Martes, ika-21 ng Abril, 2020.

Ang 2nd Infantry Battalion (2IB) ang nagsagawa ng pagtugis sa mga teroristang NPA kasunod ng engkwentrong naganap noong ika- 19 ng Abril, 2020. Iniulat ng mga residente sa mga awtoridad ang mga hinihinalang armadong rebelde na diumano’y nag-iwan ng kanilang mga armas sa isang koprahan sa Sitio Diwata, Brgy Salvacion, San Fernando.

Nang ginalugad ng pwersa ng gobyerno ang koprahan, sila ay nakarekober ng pitong (7) M16 rifles, isang (1) M4A1, isang (1) M653, isang (1) shotgun, labingtatlong (13) long magazines at mga bala ng baril.

Matatandaang halos isang oras na putukan ang naganap sa pagitan ng armadong komunista at mga kasundaluhan noong Linggo kung saan nauna nang nakarekober ng ilang baril at bala ang mga pwersa ng gobyerno.

Sa ngayon, mahigit labing-anim (16) na matataas na kalibre ng mga baril, mga importanteng kagamitan at mga dokumento ang narekober mula sa komunistang grupo.

Ang Joint Task Force Bicolandia (JTFB) sa pamumuno ni MGEN FERNANDO T TRINIDAD AFP ay nagbigay papuri sa ating mga matatapang na kasundaluhan at nagpasalamat sa publiko sa kanilang agarang ulat at kooperasyon sa patuloy na laban ng gobyerno sa mga CTG.

Naniniwala si MGen Trinidad na patunay lamang ito na sawa na ang taumbayan sa walang saysay na adhikain ng teroristang grupong NPA na nagdudulot lamang ng pahirap at dahas sa ating mga komunidad.

Nais pa ring hikayatin ni MGen Trinidad ang mga miyembro ng NPA na nais nang bumaba at sumuko upang sa gayo’y tuluyan na silang makapamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.

Nais bigyang diin ng JTFB na hindi pa huli ang lahat upang abandonahin nila ang armadong pakikibaka at tuluyang bumalik sa gobyerno kalakip ng mga benepisyo at programang naghihintay sa kanila sa ilalim ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-sundalo-ng-philippine-army-nakabawi-ng-karagdagang-matataas-na-kalibre-ng-mga-baril-sa-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.