Friday, May 1, 2020

Kalinaw News: Kumander ng Joint Task Force Bicolandia, pinuri at pinasalamatan ang tropa ng 2IB

Posted to Kalinaw News (May 1, 2020): Kumander ng Joint Task Force Bicolandia, pinuri at pinasalamatan ang tropa ng 2IB (By 9TH INFANTRY DIVISION)



MILAGROS, MASBATE – Muling binisita kahapon ni MGEN FERNANDO T TRINIDAD, AFP ang himpilan ng 2nd Infantry (Second to None) Battalion, Philippine Army upang purihin at pasalamatan ang mga tropa ng 2IB sa tagumpay na nakamit laban sa mga terroristang CPP-NPA sa engkwentrong naganap noong ika-19 ng Abril, 2020 sa Sitio Diwata, Brgy Salvacion, San Fernando, Masbate.

Sa kanyang mensahe sa mga tropa, masayang pinasalamatan ni GEN TRINIDAD ang lahat ng bumubuo ng 2IB dahil sa patuloy at walang sawang sakripisyo at serbisyo para sa mamamayan ng probinsya ng Masbate upang protektahan ito laban sa banta ng teroristang CPP-NPA. Dagdag pa nito, taas noong ipinagmalaki ng heneral ang 2IB, “Tayo pa lang sa buong Philippine Army ang nagkaroon ng decisive engagement,” ayon kay GEN TRINIDAD.

Ang decisive engagement ay isang armadong engkwentro laban sa malaking grupo ng teroristang CPP-NPA na nagresulta ng pagkawasak ng 70 pursyento ng kanilang kakayahang militar. Partikular nito ang neutralization sa pamamagitan ng pagkapaslang o pagkahuli sa mga miyembro ng armadong grupo na may bilang na hindi bababa sa labing anim (16) at/o di kaya ay pagkakuha ng matataas na kalibre ng baril na may bilang na hindi bababa sa labing anim (16).

Matapos ang matagumpay na engkwentrong naganap noong ika-19 ng Abril, 2020 laban sa humigit kumulang 30 miyembro ng CPP-NPA sa Sitio Diwata, Brgy Salvacion, San Fernando, Masbate at pursuit operations na isinagawa ng 2IB, kabuuang labing anim (16) na matataas na kalibre ng baril at isang (1) shotgun ang nakuha ng 2IB mula sa malaking grupo ng CPP-NPA sa Isla ng Ticao, Masbate na pinamumunuan ni Eliseo Carbarles @Kiko, dahilan para ito ay tawaging decisive engagement.

Ayon naman kay LTC SIEGFRIED FELIPE F AWICHEN INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 2IB, makakaasa ang mamamayan ng probinsiya ng Masbate na hindi titigil ang tropa ng 2IB sa pagtugis sa mga miyembro ng CPP-NPA upang mapanatili ang kapayapaan ay kaayusan sa probinsya. Hinikayat din niya mga miyembro ng CPP-NPA na talikuran na ang armadong pakikibaka at magbalik-loob sa pamahalaan habang hindi pa huli ang lahat. Ito ay upang magkakaroon sila ng bago at mapayapang buhay kapiling ang kanilang pamilya kalakip ng mga benepisyo at programang naghihintay sa kanila sa ilalim ng Enhanced Local Integration Program (E-CLIP).



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/kumander-ng-joint-task-force-bicolandia-pinuri-at-pinasalamatan-ang-tropa-ng-2ib/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.