Tigaon, Camarines Sur—Patay ang isang kasapi ng teroristang NPA matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga terorista grupo at tropa ng 83rd Infantry (Matikas) Battalion sa Brgy. Sta Cruz Norte, Iriga City, Camarines Sur, bandang alas 5:15 ng madaling araw, ika-22 ng Mayo taong kasalukuyan.
Tinatayang nasa benteng (20) teroristang NPA ang nakasagupa ng tropa ng gobyerno na umabot ng kinse (15) minutong putukan na nagresulta ng pagkamatay ng isang (1) myembro ng NPA at pagkakarekober ng isang (1) M653 rifle, isang (1) Rifle Grenade, isang (1) bandolyer, apat (4) magazines with 5.56mm ammunitions, isang (1) generator, training kits, subersibong dokumento at personal na gamit. Wala namang naiulat na nasugatan sa tropa ng 83IB, sa katunayan ay kumpyansa ang tropa na may ilan pang nasugatan sa panig ng teroristang NPA.
Naganap ang operasyon na ito dahil sa sumbong na nagsasagawa ng recruitment ang teroristang NPA sa mga residente ng Barangay Sta Cruz Norte, Iriga City, Camarines Sur at mga karatig na barangay. Bilang pagtugon sa sumbong ng mga residente, ikinasa ang operasyon ng 83IB upang maitaboy ang mga NPA at mapigilan ang pagrerekluta sa mga inosenteng residente.
Upang mapanatili ang siguridad sa lugar at hindi na magdulot pa ng takot sa mga residente, agarang nagresponde ang quick reaction team ng 83IB. Nagsagawa sila ng pulong-pulong tungkol sa nangyaring engkuwentro at hinikayat ang mga residente na makiisa at makipagtulungan sa gobyerno. Namigay din sila ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program (E-CLIP) leaflets upang mapalaganap ang programa ng gobyerno para sa mga rebeldeng nais nang magsimula ng panibagong buhay.
Nagpapasalamat ang Commanding Officer ng 83IB na si Lieutenant Colonel Clark R. Dalumbar, sa pakikiisa at patuloy na pakikipagtulungan ng mga tao upang magapi ang gawaing terorista na sanhi ng di pag-unlad ng bansa. Gayundin ang lubos niyang paghikayat sa mga kapatid natin sa CPP-NPA-NDF na magbalik loob na lamang sa gobyerno sa tulong ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program na naglalayon na matulungan ang mga nagnanais na magkaroon ng mapayapang pamumuhay. Higit sa lahat, lubos niyang pinapaabot ang pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing NPA.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/1-npa-patay-sa-engkwentro-sa-iriga-city-camarines-sur/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.