Thursday, May 7, 2020

CPP/Ang Bayan: 76 aktibista, boluntir, inaresto sa Araw ng Paggawa

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (May 7, 2020): 76 aktibista, boluntir, inaresto sa Araw ng Paggawa




Magkakasunod na inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang 76 na aktibista at boluntir sa Metro Manila, Rizal at Iloilo kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo 1.

Kabilang sa kanila ang sampung boluntir na nagkakawanggawa at namimigay ng libreng pagkain sa mga maralitang residente sa Marikina City. Iniutos ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang kagyat na pagpapalaya sa mga inaresto at iginiit na wala silang nilabag na batas.

Sa Quezon City, apat na kabataang boluntir at 14 na residente ang inaresto habang namimigay ng libreng pagkain sa Barangay Central. Apat na aktibista rin ang inaresto sa Valenzuela City dahil lamang sa paglahok sa isang protesta sa internet. Dalawang manggagawa rin ang inaresto sa Rodriguez, Rizal.

Inaresto rin ng mga pulis ang 42 indibidwal sa Jaro District, Iloilo City habang naghahanda para sa isang karaban upang kundenahin ang pagpaslang sa koordineytor ng Bayan Muna sa Iloilo na si Jose Reynaldo “Ka Jory” Porquia. Sinampahan ng patung-patong na kaso ang mga biktima kabilang ang dating mga kasamahan ni Porquia, kanyang anak at pitong kasapi ng midya. Pinalaya lamang ang 42 pagkatapos magbayad ng pyansang P12,000 kada inaresto o higit kalahating milyon sa kabuuan.

Si Porquia, 59, ay binaril nang siyam na beses ng apat na hindi nakilalang lalaki sa Barangay Santo NiƱo Norte, Iloilo City noong Abril 30.

Sa parehong araw, inaresto ng mga elemento ng 202nd IBde ang 16 na manggagawa ng Coca-Cola sa loob ng pagawaan ng kumpanya sa Santa Rosa, Laguna. Dinala sila sa Camp Vicente Lim sa Calamba City at ipinrisinta sa midya noong Mayo 1 bilang “sumukong” mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2020/05/07/76-aktibista-boluntir-inaresto-sa-araw-ng-paggawa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.