SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 24, 2020
Si Duterte ang tunay na pasistang bayrus ng lipunan na mahigit tatlong taon nang nanalasa at pumapatay ng mamamayang Pilipino. Itinaguyod niya ang interes ng mga imperyalista at lokal na naghaharing-uri. Higit na sumidhi ang epekto ng COVID-19 sa buhay at kabuhayan ng mamamayan dahil sa mga neoliberal na patakarang naglustay ng kabang bayan para sa mga walang kabuluhang proyektong pang-imprastruktura at gera kontra-mamamayan.
Katumbas ng pagdeklara ng state of emergency at pagkakaroon ni Duterte ng emergency powers ang pagpapatupad ng batas militar sa buong bansa. Taglay ng lockdown ang lahat ng katangian ng pagpapatupad ng batas militar. Nagkalat ang militar at pulis kapwa sa kanayunan at kalunsuran. Tadtad ng checkpoint ang lahat ng prubinsya. Nagbanta na ang PNP na aarestuhin nila ang sinumang magpakalat ng ‘fake news’ sa social media. Sinumang tumanggi sa pang-iinteroga ng DOH ay kakasuhan ng pamamaslang. Ilang araw pa lamang matapos ang lockdown, nagkaroon na ng serye ng pang-aaresto ng mga maralitang wala namang tahanang tutuluyan at manggagawang nangangambang mawalan ng trabaho.
Kung anumang higpit ng lockdown sa mamamayang Pilipino ay siya ring luwag sa pagpapapasok ng mga dayuhan. Hindi pa rin ipinapatigil ang mga byahe mula at papunta sa ibang bansa. Maaari pa ring dumaong sa mga pantalan ang mga cargo ship. Sa pagdeklara ng state of calamity, binibigyan ng puwang ang reaksyunaryonng gubyernong ibwelo ang lahat ng neoliberal na proyekto nang hindi dumadaan sa public bidding at panatilihin ang aktibong presensya ng militar at pulis sa mga checkpoint kahit lumipas na ang isang buwang nakatakda para sa lockdown.
Bumabangga sa interes ni Duterte ang pagbibigay ng akma at kagyat na solusyon sa COVID-19. Sa takot na mahinog ang kalagayan para sa malawak na pag-aalsa ng mamamayan, hindi kataka-takang hinintay at pinabayaan ng rehimeng US-Duterte na lumala ang kalagayan upang magkaroon ng tuntungang makapagpatupad ng batas militar. Dapat higit pang maging mapagbantay ang taumbayan – tiyak sasamantalahin ni Duterte ang pagpapatupad ng mga pasista at neoliberal na patakaran, tulad ng nakaambang pagpapasok ng mga gamit-militar para sa 2020 Balikatan Exercises ngayong Abril. Sa gitna ng pagkabalisa ng publiko sa banta ng lockdown, ilinusot ni Duterte ang pagpapasa ng Public Service Act. Pinahihintulutan nito ang 100% pag-aari ng mga dayuhan ng mga pampublikong yutilidad tulad ng transportasyon, tubig, kuryente at telecommunications.
Ang tanging pamamaraan upang puksain ang bayrus ni Duterte ay ang pagdaluyong ng kilusang masang mapagpasyang magpapanagot at magpapabagsak sa isang pahirap, pasista at tutang rehimen. Nananawagan ang NDF-Bikol sa masang Bikolano na ibayong pahigpitin ang pagkakaisa at diwa ng pagtutulungan upang maigpawan ang krisis ng COVID-19.
Patuloy na maging mapagbantay at kritikal sa mga hakbang ng rehimen, laluna sa mga pangitaing pagpapalawig ng lockdown. Kagyat na mag-ulat ng mga paglabag ng militar at pulis ng mga karapatang tao. Higit sa lahat, huwag pabayaang wasakin ng sapilitang quarantine ang diwa ng sama-samang pagkilos.
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Magtarabangan para sa namamanwaan!
https://cpp.ph/statement/ndf-bicol-duterte-bayrus-ng-lipunan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.