MAKIBAKA-BIKOL
MALAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN
MSP-BIKOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 24, 2020
Kagyat, libre at naaabot na serbisyong medikal ang kailangan ng masang anakpawis para maigpawan ang COVID-19. Gayunpaman, batas militar at hindi serbisyong medikal ang sumambulat na solusyong hinapag ng rehimeng US-Duterte sa taumbayan. Sa isang lipunang atrasado at bansot ang ekonomya, tiyak na kagutuman at higit na kahirapan ang magiging resulta ng lockdown at hindi kaligtasan mula sa COVID-19.
Simula’t sapul, hindi prayoridad ng estado ang mga serbisyong panlipunan. Ipinagpatuloy ng rehimeng US-Duterte ang pagsasapribado ng mga ospital. Linustay nito ang kabang bayan sa mga mapanirang neoliberal na proyekto at gera kontra-mamamayan. Pinasiparahan nito ang banta ng COVID-19 noong Pebrero at pinanatiling bukas ang bansa sa pagpasok ng mga dayuhan. Sa halip na magpalaganap ng impormasyon hinggil sa sakit at magsalik kung paano ito maiiwasan bago pa man lumala, higit na binigyang-pansin ng rehimen ang pangangampanya hinggil sa Duterte Legacy at pagpapalabas ng pelikula sa Europa tungkol sa mga inabot ng madugong gera kontra droga.
Nananawagan ang MSP-Bikol at MAKIBAKA-Bikol sa rebolusyonaryong subkomiteng pangkalusugan na maglunsad ng malawakang kampanya upang mapagpasyang harapin ang epekto ng COVID-19 sa masang anakpawis. Dapat buhayin ang inisyatiba ng mga makabayang siyentista at doktor na magpalalim ng mga saliksik hinggil sa COVID-19 at maaaring lunas para rito. Pahigpitin ang koordinasyon sa pagitan ng mga komiteng rebolusyonaryo sa kanayunan at rebolusyonaryong organisasyong masa sa kalunsuran para sa pakikipagpalitan ng kaalaman, tulungan at iba pang ayudang makukuha mula sa mga alyansa. Higit sa lahat, paigtingin ang pakikibaka upang isulong ang programa ng demokratikong rebolusyong bayan bilang natatanging pangmatagalang solusyon sa panlipunang krisis.
Talingkas sa pagkaoripon!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
https://cpp.ph/statement/lockdown-kontra-mamamayang-solusyon-sa-pagharap-sa-covid-19/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.