Binigyang diin ni Governor Eduardo Gadiano na ang whole-of-nation approach ng pamahalaan ay mabisang hakbang upang mapalakas ang presensya ng gobyerno sa mga malalayong lugar. (Voltaire N. Dequina/PIA Occ Min)
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Dis. 2 (PIA) — Tagumpay ng lalawigan ang pagsuko kamakailan ng 79 na kasapi ng Militia ng Bayan (MB) sa bayang ito, ayon kay Governor Eduardo Gadiano.
Sa kanyang mensahe sa ginanap na Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Awarding Ceremony para sa mga sumukong MB, sinabi ng Gobernador na ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga dating rebelde ay pagkilala sa mithiin ng gobyerno na magkaroon ng tunay na kapayapaan at kaunlaran. Minsan na ring binanggit ni Gadiano sa nakaraang pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) na matatamo lamang ng isang bayan ang kaunlaran kung mamamayani rito ang tunay na kapayapaan. “Dapat kaakibat nito (kapayapaan) ang pagtutulungan upang mapagtagumpayan natin ang laban para sa katiwasayan at katahimikan,” wika pa ni Gadiano.
Nilinaw din ng punong-lalawigan ang hinggil sa mga isyung ginagamit ng New People’s Army (NPA) upang mahikayat ang mga katutubo na sumali sa kanilang kilusan. “Ang usapin sa lupaing ninuno (ancestral domain) ay kadalasang kinakasangkapan ng mga rebelde,” ani Gadiano.
Napapaniwala ng mga NPA na sila ang nagkaloob ng lupain sa mga ninuno kaya dapat lamang suportahan ng mga ito ang kilusang komunista. Ayon sa Gobernador, sa kasalukuyan ay may nakabinbing kaso sa korte ang maliit na bahagi ng lupaing ninuno sa lalawigan habang ang mas malaking bahagi naman ay dapat nang magkaroon ng titulo upang maipamahagi sa mga katutubo.
Tinukoy din ni Gadiano ang whole-of-nation approach na aniya ay mabisang hakbang upang mapalakas ang presensya ng pamahalaan sa mga komunidad na lantad sa banta ng insurhensiya. Sa ilalim ng whole-of-nation approach, nagtutulungan ang mga ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan. “Edukasyon at pangangailangang medikal ang ilan sa ating prayoridad. Kung paaralan ang kailangan, nariyan ang Department of Education (DepEd) at kung mga kalsada naman sagot ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH),” paliwanag ni Gadiano.
Samantala, sinusugan naman ni LtGen Gilbert Gapay, Commander ng Southern Luzon Command ang mensahe ng ama ng lalawigan. Sinabi ni Gapay na ang pagsuko ng mga rebelde ay katuparan ng pangarap na kapayapaan sa Katimugang Tagalog at sa buong bansa. “Kaya naman saludo tayo sa ating mga kapatid na nagpasiyang bumalik sa lipunan at makasama nating muli,” saad ng opisyal. Ayon pa kay Gapay, hindi man agad makamit ang kapayapaan, ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga rebelde ay tanda na nagtatagumpay ang programa ng pamahalaan na PBgen.
Kaugnay nito, nagpahayag ng kumpiyansa ang pinuno ng SOLCOM na sa pamamagitan ng E-CLIP mas marami pa ang mahihikayat na bumaba na sa kabundukan at magbagong buhay. “Ang inyong pagbabalik-loob ang siyang tamang ehemplo ng pagbabago. Hiling ko sa inyo na hikayatin ang iba pa ninyong mga kasama na sumuko na,” pakiusap ng opisyal sa mga dating kasapi ng MB.
Hamon pa ni Gapay, bakit hindi bigyan ng pagkakataon ang pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maunawaan kung may dapat pa nga bang ipaglaban ang mga teroristang New People’s Army (NPA), Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF).
Samantala, sa mensahe ni PBGen Nicerio Obaob, Regional Director ng Philippine National Police (PNP) Mimaropa, tiniyak nito na ang administrasyong Duterte ay may pusong hangad na matigil na ang labanan. Ayon kay Obaob, tapat ang alok na kapayapaan ng pamahalaan at ito na ang tamang panahon upang tanggapin ito. “Sana makamit na natin ang ganap na kapayapaan at maipamana ito sa mga susunod pang henerasyon,” pagtatapos ng opisyal. (VND/PIA MImaropa/Occ Min)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.