Bahagi ng seremonya sa opisyal na pagsuko ng mga dating kasapi ng Militia ng Bayan ay ang pagsunog sa watawat ng rebeldeng samahan na dati nilang kinaaniban. (Voltaire N. Dequina/PIA Occ Min)
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Dis 5 (PIA) — Tumanggap ng pera at livelihood assistance mula sa pamahalaan ang 79 na sumukong kasapi ng Militia Ng Bayan (MB) sa isang pormal na seremonya noong nakaraang linggo sa bayang ito.
Ayon kay Juvy Tepico ng panlalawigang tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ipinagkaloob ang mga ayuda alinsunod sa Enhanced–Comprehensive Local Integration Program (E-Clip), isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng packaged assistance sa mga sumukong kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), National Democratic Front (NDF) at MB, upang magamit nilang panimula sa kanilang pagbabagong-buhay.
“Agarang tulong na P15,000 bawat isa ang unang ipinagkaloob sa mga dating rebelde matapos maproseso ang kanilang pagsuko at opisyal na silang nakasama sa E-CLIP” saad ni Tepico, gayundin aniya ang livelihood assistance na ibinatay naman sa uri ng pagkakakitaan o kabuhayan na kayang itaguyod ng benepisyaryo.
Ayon pa kay Tepico, gagabayan ng husto ang mga benepisyaryo dahil bukod sa puhunan ay isasailalim din sila sa mga training o pagsasanay ng iba’t ibang ahensya, tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pangangsiwa ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
“Upang mabigyan agad ng pagkakakitaan ang ating mga surrenderees ay isasali natin sila sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD),” saad pa ni Tepico.
Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan bibigyan ng agarang trabaho ang mapipiling benepisyaryo sa loob ng 10-30 araw, habang inihahanda pa ito na itaguyod ang pangmatagalang kabuhayan.
Pahayag naman ni Rosalina Lamocca, tagapamahala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang mga nabanggit na ayuda ay ilan lamang sa nakalaan sa mga rebelde na nais nang makabalik sa lipunan. Aniya, sagot din ng gobyerno, sa pamamagitan naman ng lokal na pamahalaan, ang pangangailangan sa edukasyon at medikal ng mga nagbalik-loob gayundin ang pamilya nito.
“Halimbawa’y buntis ang asawa ng sumuko o may sakit, tutulong ang LGU Prov sa abot ng makakaya sa pamilya ng sumuko,” paliwanag ni Lamocca. Maari rin aniyang magbigay ng scholarship ang LGU Prov sa mga anak ng dating rebelde.
Kwento pa ng opisyal ng PSWDO, nakaatang rin sa kanilang tanggapan, katuwang ang kaparehong opisina sa munisipalidad (MSWDO), ang pagmo-monitor sa takbo ng kabuhayan ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.