SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
DECEMBER 22, 2019
Pinagpupugayan ng NDF-Bikol ang tagumpay na nakamit ng matatag na kilusang masang walang pagod na nagtulak ng hustisya para sa masaker sa Maguindanao. Bunga ng kanilang isang dekadang pagkakaisa’t pagsisikap napilitan na ang reaksyunaryong gubyerno na pananagutin ang kalakhan ng maysala sa naturang masaker. Ngunit hindi pa tapos ang laban. Marapat lamang na ipanawagan ang pagpapanagot sa nalalabing mga kriminal, tiyakin na maparurusahan ang mga nasakdal hanggang sa pinakamataas na korte at ang pagkilala sa ika-58 biktima ng masaker na si Reynaldo “Bebot” Momay. Gayundin, marapat ang malakas na pagsuporta ng masa sa mga kapamilya ng biktimang maaaring balikan ng mga alagad at kaalyado ng pamilyang Ampatuan. Marapat lamang na ipaglaban ng sambayanang Pilipino ang pagtigil ng pang-aatake sa mga kagawad ng midya, pagsusulong ng pagtataguyod ng malayang pamamahayag at ang pagpapanagot sa numero unong banta sa kanilang kaligtasan – ang rehimeng US-Duterte.
Bahagi ng pasistang pamamalakad ni Duterte ang higit pa ngang marahas na pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ng mamamayan laluna ng mga propesyunal at manggagawa sa midya. Hindi na mabilang ang beses na nagpahayag si Duterte ng mga deklarasyong anti-midya at humihikayat ng karahasan laban sa kanila. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, walang kapantay na teror ang dinanas ng mga kagawad ng midya.
Ipinapatupad ni Duterte ang isang crackdown laban sa mapanuring pamamahayag na naglalantad sa kanyang pasista at kontramamamayang rehimen upang mapatahimik ang midya sa bansa. Patuloy na kinokontrol ng AFP ang mga ilinalabas na balita ng midya upang pagtakpan ang malawakang karahasan, pagpaslang at pagnanakaw ng militar. Samantala, ang mga mapangahas pa ring nagpapahayag ng katotohanan ay tahasang tinatarget at madalas na nagiging biktima ng pananakot, pambabanta, paninira, pagmamanman, panununog at paninira ng mga kagamitan hanggang pamamaslang.
Hindi lamang ang mga mamamahayag ang inaatake ni Duterte. Nangunguna rin ang pasistang pangulo sa pag-atake sa katotohanan. Mula mismo sa bibig ni Duterte nagmumula ang samu’t saring pinalobong datos, pekeng balita at disimpormasyon na agad namang kinakatigan ng kanyang mga alagad. Gamit ang rekurso ng bansa, nag-aalaga siya ng kanyang batalyon ng mga online trolls na walang ibang misyon kung hindi ang manlinlang, maghasik ng kaguluhan, bantaan ang mga progresibo at makabayang hanay at ipagtanggol ang kanilang pasistang panginoon.
Sa pagpapatupad ng militaristang Whole of Nation Approach at pagkakaroon ng isang juntang militar sa bisa ng EO 70, lalong pinahihigpit ni Duterte ang kontrol sa midya at ang lantarang pang-aatake sa kanilang hanay. Nananawagan ang NDF-Bikol sa malawak na mamamayang patuloy na suportahan at lumahok sa laban ng mga kagawad ng midya. Ang tunay na katarungan para sa mga mamamahayag ay hindi nagtatapos sa pagkakakulong ng iilang mga salarin sa Maguindanao Massacre. Marapat lamang na ibayo pang magkaisa upang mapabagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte. Higit sa lahat, marapat lamang na lumahok ang hanay ng midya at iba pang progresibong uri sa pambansa demokratikong rebolusyong siyang magwawakas sa sistema ng pang-aapi at pagsasamantala at magpupundar ng isang lipunang may tunay na pagpapahalaga at pagkilala sa katotohanan at makauring paninindigan.
https://cpp.ph/statement/pahayag-hinggil-sa-matagumpay-na-kilusang-masa-sa-maguindanao-massacre/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.