Sunday, September 15, 2019

CPP/NDF-ST: Huwad ang Reporma sa Lupa ng Pasistang Rehimeng Duterte

NDF-Southern Tagalog (ST) propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 15, 2019): Huwad ang Reporma sa Lupa ng Pasistang Rehimeng Duterte

PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
SEPTEMBER 15, 2019

Walang programa sa reporma sa lupa ang anti-magsasakang rehimeng Duterte. Panggagantso sa masang magsasaka ang serye ng pamamahagi ni Duterte ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa. Walang ibang layunin ito kundi manloko at maibangon ang sadsad niyang imahe sa publiko lalo higit sa hanay ng mga magsasaka. Hindi layunin nito ang pagbubuwag sa monopolyo sa pag-aari sa mga lupain at pagwawakas sa kapangyarihang pyudal ng mga panginoong maylupa sa kanayunan.

Kahit ang labis na pagyayabang ni Duterte na ipamamahagi niya nang libre ang lupa sa masang magsasaka ay naglalayon lamang na buhusan ng malamig na tubig ang nagpupuyos na pakikibaka ng masang magsasaka para sa lupa. Kontra-insurhensya ang layunin nito at sa katunayan, sa mga lugar na may mga tagumpay ang rebolusyonaryong kilusan sa pagpapatupad ng repormang agraryo, sistematikong binabawi ng AFP ang mga tagumpay ng kilusang magsasaka at muling ibinabalik ang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa.

Ang pinakahuli sa mga panloloko at pagpapakitang tao ni Duterte ay ang pamamahagi ng CLOA sa ilang magsasaka ng Hacienda Luisita na ginanap sa opisina ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa lunsod ng Quezon at itinaon sa araw ng kamatayan ni Corazon Aquino. Gustong papaniwalain ni Duterte ang mga magsasaka sa bansa na seryoso ang kanyang administrasyon na tugunan ang problema nila sa kawalan ng lupa. Subalit ang katotohan ay inuulit at pinagpapatuloy lamang ni Duterte ang huwad at bangkaroteng Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ni Corazon Aquino.

Nahihibang si Duterte sa pag-aakalang maloloko niya ang masang magsasaka kahit araw-arawin pa niya gawin ang pamamahagi ng CLOA. Matagal nang isinuka ng mga magsasaka ang CARP o RA 6657 dahil alam nila na ang CLOA ay sertipiko ng isang huwad at inutil na repormang agraryo.

Hindi libre ang pamamahagi ng lupa na siyang nais palitawin ng gubyernong Duterte. Sa ilalim ng CARP, babayaran ng magsasaka ang lupa sa loob ng 30 taunang amortisasyon na may 6% interest kada taon sa Land Bank of the Philippines (LBP). Ang taunang amortisasyon ay katumbas ng 5% ng abereyds na kabuuang halaga (gross) ng tatlong (3) magkakasunod na anihan. Ang sinuman na hindi makabayad at umabot sa 3 pinagsamang (aggregate) taon ay otomatikong babawiin ang CLOA. Kapag binawi kasabay na mababalewala ang mga naunang naibayad na amortisasyon ng mga magsasaka.

Sa karanasan, maraming mayhawak ng CLOA ang nabawian dahil sa hindi nakabayad ng amortisasyon sa lupa. Ang iba dahil sa kagipitan at kahirapan sa pagbabayad sa amortisasyon ay napilitang isangla kung di man ibenta ang kanilang mga hawak na CLOA sa mga nakaririwasang saray na magsasaka at komersyante-usurero.

Tiyak na mauuwi lamang sa kabiguan ang anumang pakana ni Duterte na apulain ang nag aapoy na damdamin ng mga magsasaka sa bansa. Hindi na kayang burahin sa isipan ng mga magsasaka ang mapapait na karanasan na sinapit nila sa kamay ng AFP at PNP. Ang mga magsasaka at katutubo ang laging biktima ng kalupitan at karahasan ng mga pasistang tropang militar ng AFP at PNP sa pagtataguyod at pagtatanggol nito sa interes ng malalaking panginoong maylupa, burgesya komprador at dayuhang korporasyon.

Sa Mindanao, gusto pa ni Duterte na bunutin ang mga Lumad sa kanilang mga lupaing ninuno at dalhin sa isang takdang relokasyon para bigyang daan ang pagpasok at pananalasa ng mga dambuhalang korporasyon sa pagmimina at pagbubukas at pagpapalawak ng mga plantasyon sa oil palm, saging at piña.

Malaking kalokohan ang pagmamalaki ni Duterte sa superyoridad ng reporma sa lupa ng mga nagdaang reaksyunaryong gubyerno at pagmamaliit sa mga tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan sa pagpapatupad ng rebolusyong agraryo.

Walang kahihiyan na ginagamit ni Duterte ang okasyon ng pamamahagi ng CLOA para ipagmalaki sa madla na nakakahigit ang programa ng gubyerno sa reporma sa lupa at maliitin ang programa ng rebolusyonaryong kilusan.

Dapat malaman ni Duterte na mula pa sa panahon ni Manuel L. Quezon hanggang sa kasalukuyan ay walang matinong batas sa repormang agraryo ang naipatupad at nagpabago sa kalagayan ng mga magsasaka sa bansa. Hindi libre ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Walang ginawang pagbaklas sa mga malalawak na lupain na pag-aari ng iilang malalaking panginoong maylupa at dayuhang korporasyon para ipamahagi sa mga magsasaka. Sa halip lalo lamang tumibay ang pusisyon sa pagmamay-ari ng iilang angkan sa malalawak na lupain dahil sa pagkakaroon ng sangkaterbang butas at eksemsyon ng mga isinabatas na repormang agraryo ng reaksyunaryong estado.

Bilang halimbawa, sa rehiyong Timog Katagalugan pa lamang, patuloy na napanatili ng iilang malalaking panginoong maylupa ang kanilang mga naglalakihang lupain tulad ng mga Ayala, Zobel, Cojuangco at Dolor sa Batangas. Sa Quezon, nanatili ang malawak na lupain nina Danding Cojuangco, Willy Matias, pamilyang Uy, pamilyang Reyes at ang malaking land lease holder na si Murray ng Tumbaga ranch. Ganundin ang pamilyang Alvarez sa Palawan. Ang mga Aguinaldo at Remulla naman ang prominenteng pamilya na may malalawak na lupain sa Cavite. Nariyan din ang pamilyang Yulo, Lucio Tan, Ayala, Villar at de los Reyes na may malalawak na lupaing pag-aari sa Laguna.

Ang patuloy na pag-iral at konsentrasyon ng malalawak na lupain sa iilang pamilya ang patunay na bigo at inutil ang mga nagdaang repormang agraryo ng reaksyunaryong estado.

Ang demokratikong rebolusyon ng bayan ang tutugon sa malaon nang kahilingan ng masang magsasaka na magkaroon ng sariling lupang masasaka.

Tanging sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan (DRB) malalagot ang kadenang dantaon nang gumagapos sa masang magsasaka busabos na kalagayan ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala ng malalaking panginoong maylupa, mga asendero at komersyante-usurero gayundin ang kawalan ng sariling lupang masasaka.

Ang rebolusyong agraryo, na pangunahing nilalaman ng DRB at sa saligan ay isang rebolusyong magsasaka, ay naglalayong wakasan ang pyudal na monopolyo sa lupa at ibagsak ang kapangyarihang pyudal at malapyudal ng mga malalaking panginoong maylupa, asendero’t komersyante sa kanayunan.

May maksimum at minimum na layunin ang rebolusyong agraryo na pinapatupad ng rebolusyonaryong kilusan. Ang libreng pamamahagi ng lupa sa walang lupa at kulang sa lupa ang maksimum na layunin ng rebolusyong agraryo. Pagpapababa sa upa sa lupa, pagpapataas ng presyo ng produktong bukid, pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpawi sa usura at promosyon ng iba’t ibang anyo ng kooperasyon sa pagsasaka ang ilan naman sa nilalaman ng minimum na layunin ng rebolusyong agraryo.

Sa kasalukuyan tinatamasa na ng libo-libong magsasaka sa saklaw ng mga sona’t larangang gerilya ang produkto ng mga tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan sa pagsusulong ng mga anti-pyudal na laban at kampanya para sa minimum na layunin ng rebolusyong agraryo. Ganundin, sa ilang bahagi ng mga sona’t larangang gerilya selektibong naipapatupad na ang maksimum na layunin ng kumpiskasyon at libreng pamamahagi ng lupa sa masang magsasaka at pinakikinabangan na ang mga lupain na produkto ng mga tagumpay ng rebolusyonaryong kilusang magsasaka.

Sa paglulubos ng tagumpay ng DRB sa buong bansa, kagyat na isusunod ang sosyalistang rebolusyon at......

https://cpp.ph/statement/huwad-ang-reporma-sa-lupa-ng-pasistang-rehimeng-duterte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.