Monday, March 18, 2019

CPP/NPA-Panay: Diumano’y engkwentro sa Igbaras, isang fake news

NPA-Panay propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 18, 2019): Diumano’y engkwentro sa Igbaras, isang fake news

Julio Montana
NPA-Panay (Coronacion Chiva “Waling-Waling” Command)
New People's Army
March 18, 2019

Muli na namang umandar ang kasinungalingan ni Col. Magbalot, CO ng 61st IBPA nang ipinangalandakan nya sa media sa Iloilo na may nagyaring engkwentro diumano sa pagitan ng NPA at kanyang tropa sa Brgy. Mulangan, Igbaras, Iloilo nitong nakalipas na araw (March 17). Imposibleng mangyari ang sinasabing engkwentro ng NPA dahil walang pwersa ng NPA sa naturang baryo nang araw na iyon o bago pa man nito.

Ang inisyal na impormasyong nakarating sa amin ay may 3 magsasakang sibilyan na taga Mulangan ang dinakip ng mga tropa ng 61st IB. Malinaw na ito ang dahilan bakit nag-imbento ng “engkwentro” si Col. Magbalot – bigyang katwiran ang ilegal na paghuli ng kanyang mga tropa sa mga inosenteng sibilyan.

Patuloy pa naming inuusisa ang pangalan ng mga biktima. Hinihikayat namin ang mga kamag-anak ng 3 magsasakang hinuli na kaagad lumapit sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao para matulungan sila laban sa pang-aabuso na naman ng mga tropa ng 61st IB. Nananawagan din kami sa mga lokal na opisyal ng Brgy. Mulangan at bayan ng Igbaras na tulungan ang mga biktimang ito para madepensahan ang kanilang mga karapatan.

https://www.philippinerevolution.info/statement/diumanoy-engkwentro-sa-igbaras-isang-fake-news/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.