NDF-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Dec 7):
Hinggil sa terorismo ng rehimeng Duterte
Maria Roja Banua, Spokesperson
NDFP Bicol Region (Region V)
7 December 2017
Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang lantarang panghaharas ng mga bayarang ahente ng teroristang estado kay Chito Banzuela, isang organisador ng Bayan Muna sa Brgy. Salvacion, Sto. Domingo, Albay.
Liban dito’y masinsing minamanmanan ang lahat ng mga upisina ng progresibong organisasyon, mga relihiyosong institusyon, mga personalidad sa akademya at ang lahat ng mga lider masa’t personalidad na mahigpit at matagal nang Sa balangkas ng malalim na kilusang lihim, marapat na panghawakan ang pagsisiguro sa seguridad ng bawat indibidwal at buong organisasyon. nagtataguyod sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan.
Sa iba pang panig ng bansa, hinuli si George San Mateo, lider-masa ng Piston, matapos na matagumpay na mailunsad ang iba’t ibang porma ng kilos protesta sa buong bansa. Sa Nueva Ecija, pinatay si Marcelito ‘Fr. Tito’ Paez, mahigpit na tagapagtaguyod ng karapatang tao.
Patunay ng mga sunud-sunod na paglabag sa karapatang pantao’t paghahasik ng takot ng rehimeng Duterte na handa itong salaulain ang mga pinakabatayang karapatan ng mamamayan para isulong ang pagpapalawig ng kanyang pampulitikang kapangyarihan. Bahagi ito ng kampanyang pandarahas ng estado matapos ibaba ang PP 360 kung saan tuluyang tinuldukan ng maka-imperyalistang si Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP at GRP. Kasabay nito ang pagdeklara na teroristang organisasyon ang CPP-NPA-NDFP at iba bang makakaliwang organisasyon at mga personahe.
Sa pagdedeklarang terorista ang mga legal na organisasyong masang pangunahing nagsusulong ng adhikain para sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan, walang ibinibigay na puwang ang rehimeng Duterte sa mamamayan kung hindi isulong ang digmang bayan.
Kinikilala ng NDF-Bikol ang mahalagang papel ng hayag na kilusang masa sa kalunsuran. Hinaharap nito ang walang kapagurang pagsusulong ng mga demokratikong karapatan sa kabila ng sala-salabat na makinarya ng estado para supilin ang mga ligal na pakikibaka.
Nananawagan ng NDF-Bikol na lalong palawakin at patatagin ang hanay ng kilusang lihim. Hinihingi ng pagkakataon na higit na maging mapanlikha ang bawat elemento sa pagpapatuloy ng mga gawain sa pag-oorganisa, pagmumulat at pagpapakilos ng mamamayan nang may mataas na pagpapahalaga sa seguridad ng bawat indibidwal at ng buong kilusang lihim. Mahusay na nakapagpalakas at nakapagpalawak ang buong rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng Batas Militar ng diktador na Marcos. Magsisilbing inspirasyon at gabay ang mga karanasan at sakripisyo ng mga kasama sa pagharap sa hamon ng malalim na kilusang lihim.
Huwag mag-atubiling paghusayin ang manera ng pagkilos sa tarangkahan ng balwarte ng kaaway sa uri. Bilang mga propesyunal na rebolusyonaryo, tanganan ang mahusay na pagkapit sa prinsipyo ng buo at tagos sa pusong pagsisilbi sa sambayanan.
Naghihintay at handang yakapin ng malawak na kanayunan ang lahat ng kadre’t aktibista na nagmula sa kalunsuran. Sa panahong tinutugis ang malawak na mamamayan, walang ibang pinakamahusay na gawin kundi ang tanganan ang armas at ipalasap sa mga mga berdugong ahente ng teroristang estado ang angil ng punglong ginagabayan ng makatarungang digma!
Nananawagan ang NDF-Bikol sa lahat ng tapat na lingkod bayan na harapin ang panahon. Panahon ito ng pagpili ng papanigan. Huwag maging bahagi ng terorismo ng estado pagkat kasaysayan ang huhusga. Ikaw ba’y para sa mamamayan? O ikaw ba’y kaaway ng mamamayan?
Mamamayan, mangahas na tumindig laban sa pandarahas!
Lumahok sa digma ng pagpapalaya!
Pakamahalin ang taumbayan!
https://www.philippinerevolution.info/statements/20171207-hinggil-sa-terorismo-ng-rehimeng-duterte
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.