Nakapiring ang batas, nagpapatuloy ang de facto Martial Law sa Batangas
Apolinario Matienza, Spokesperson
NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command)
21 November 2017
Iligal na inaresto at ipiniit ng mga pwersa ng Nasugbu Police ang 9 na tagapagtanggol ng karapatang pantao. Ganap na 7:30 ng gabi kahapon, ika-20 ng Nobyembre sa harapan mismo ng munisipyo ng Pamahalaang Bayan ng Nasugbu, lalawigan ng Batangas. Ang mga hinuli ay pawang mga kasapi ng Samahan ng Pinagbuklod na Damdamin sa Quezumbing, Calaca (SAPIDA) na sina Leonardo delos Reyes 44, Carlos Sanosa 64, Joey Castillano 47, Roberto Hernandez at Peping Morillo habang sina Jocelyn Cabadin 44, Jennylyn Bayani 30 at Orlan Cabadin 19, ay mga myembro naman ng HABAGAT o Haligi ng Batangueñong Anak-Dagat at isinama din ang driver na si Anthony Banaga.
Ang naturang grupo ay nakatakdang maglunsad ng 2-araw na Fact Finding Mission (FFM) noong araw na iyon at mag-iikot sana sa mga bayan ng Unang Distrito upang idokumento at ilantad ang matinding militarisasyon at mga kaakibat nitong kaso ng paglabag sa karapatang pantao partikular sa mga Barangay ng Kaylaway, Aga at Bundukan sa bayan ng Nasugbu, Barangay Coral ni Lopez, Quezumbing, Pantay at Loma sa Calaca, Barangay San Diego sa Lian, at Barangay Toong sa Tuy. Mistulang binubuhusan ng malamig na tubig ang mga baryong may mainit na pakikibaka para sa lupa dahil sa ginagawang encampment ng PAF/PA sa mga baryong ito.
Kasabay ng nasabing FFM, naganap ang engkwentro sa pagitan ng pwersa ng 730th CG ng PAF, 202nd IBde Philippine Army laban sa New People’s Army/NPA sa Barangay Utod ng Nasugbu Batangas, pasado alas-8 ng umaga. Ang FFM ay naging Quick Reaction Team/QRT at kaagad na nagtungo sa Brgy. Utod upang magsagawa ng dokumentasyon hinggil sa pangyayari ngunit hinarang naman sila ng mga pwersa ng PAF at binalagbagan pa ng tangkeng Armored Personnel Carrier o APC. Ang isa pang grupo ng mga delegado ay hinarangan naman sa kahabaan ng Banana St., Barangay Putat dahil sa diumano’y paglabag sa batas-trapiko ngunit ang totoo’y nais lamang nitong pigilan sila na makarating sa baryo. Sadyang masalimuot ang paghahanap ng katotohanan at pagtatanggol sa karapatan dahil ang mga mamamayan at grupong nagtataguyod sa karapatang-pantao at magsisigurong walang sibilyan ang madadamay, ang siya ngayong naging biktima ng pandarahas at abuso ng mga pulis at militar!
Nahihibang si Rodrigo Duterte sa pagsasabi na dudurugin ang rebolusyonaryong kilusan, sukdulang ipamalas nito ang kanyang kalupitan maging sa mga tagpagtanggol ng karapatang pantao. Sa utos mismo ni Nasugbu P/CInsp. Rogelio Pineda, ipinaturo nito sa PAF ang siyam na magsasaka at mangingisda, pinaratangang mga myembro ng NPA at diumano’y kasama pa sa naganap na labanan. Tulad ng kanilang amo na si Duterte, nauulol ang PAF / PA / PNP sa kanilang pakanang pagdadawit sa siyam na sibilyan sa naganap na labanan at iligal na pag-aaresto at detention sa mga ito. Kaparehas na eksena ito na naganap noong 2002 na todong pandarahas din ang ginawa ng PAF noong panahon ni Col. Orbon kung saan ay sinakal, kinulata ng baril at halos ilibing na sa hukay ang mga ito. Nagaganap ulit ito ngayon sa katauhan naman nina Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Commander ng 202nd IBde PA, at Maj. Gen. Rhoderick Parayno, acting Commander ng AFP Southern Luzon Command. Ang dalawang ito din ang may direktang kamay sa naganap na aerial bombings sa Mount Banoi noong Setyembre na sumira sa kabuhayan ng mamamayan at kumitil ng buhay ng isang matanda at isang bata dulot ng kanilang walang habas na pambobomba.
Mariing kinukundena ng Eduardo Dagli Command-NPA Batangas ang hindi makatarungang aksyon ng mga kapulisan at militar na ito. Dapat na kagyat palayain ang Nasugbu 9 dahil kahit kailan ay hindi krimen ang magtanggol para sa karapatan ng inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan.
Ang encampment ng mga militar sa Unang Distrito, paglabag sa mga karapatang pantao, at ang iligal na pang-aaresto at pagdedetine sa 9 na magsasaka ay malinaw na may umiiral na de facto Martial Law sa Batangas. Ito ang pruwebang ang Martial law ni Marcos ay binuhay ng pasistang si Rodrigo Duterte at ang sandigan ng kanyang gobyerno ay nakasalalay sa lakas militar. Malinaw pa sa sikat ng araw na siya ay walang pagsasangalang-alang sa karapatang pantao at sunud-sunurang tagapagtaguyod ng makauring interes ng mga Panginoong-May-Lupa at Burgesya Kumprador . Siya ang bagong tuta ng Imperyalistang Amerikano at siyang tunay na terorista katulad ng kanyang amo.
At dahil dito matinding galit ang nararamdaman ng mamamayan sa arbitraryong pag-aresto sa 9 na human rights defenders. Itinatakwil na siya ng mamamayan ng Batangas at katulad ng nakaraang Rehimeng Marcos, siya rin ay maibabasura ng kasaysayan. Magiging bangungot ang kanyang pangarap na durugin ang Rebolusyonaryong Kilusan dahil sa kanyang pasismo ay lalo lamang pinagkakaisa ang mamamayan at itinuturo ang landas ng Armadong Paglaban.
Palayain ang Nasugbu 9!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Igalang ang Karapatang Pantao ng Mamamayan sa Batangas!
Ibagsak ang Pasistang Rehimeng US-Duterte!
Magpunyagi sa Armadong Rebolusyon!

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.