Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Nov 21): Mga armadong aksyon ng BHB sa Mindanao at Luzon
HINDI BABABA sa 14 na armadong aksyon ang iniulat ng iba’t ibang yunit ng BHB sa Ang Bayan nitong nakaraang mga linggo.
North Central Mindanao. Tinambangan ng BHB-NCMR sa ilalim ng Mt. Kitanglad Subregional Command ang sasakyan ng PNP na may lulang mga pulis habang binabaybay nito ang Kilometer 28 Highway sa Tikalaan, Talakag, Bukidnon noong Nobyembre 9. Isang pulis ang napatay at apat ang nasugatan. Sa hindi inaasahang pangyayari, aksidenteng nadamay ang mga sibilyan na nakasakay sa isang Toyota Fortuner na sumusunod sa sasakyan ng pulis. Tinamaan ang isang apat-na-buwang sanggol habang sugatan ang ina nito at isa pa nilang kasama. Inako ng BHB at PKP ang responsibilidad sa aksidente at taimtim na humingi ng patawad sa pamilya ng mga biktima.
Matapos nito, hinaras ng mga Pulang mandirigma ang nagrespondeng mga pulis sa Kilometer 23 sa parehong barangay noong Nobyembre 10.
Noong Nobyembre 12, dalawang KM450 trak ng Division Reconnaissance Coy at 8th IB ang pinasabugan ng isang tim ng South Central Bukidnon Subregional Command sa Barangay Salawagan, Quezon, Bukidnon.
Sa parehong araw, alas 11:00 ng umaga, nagsagawa ng tsekpoynt ang isang yunit sa ilalim ng Mt. Kitanglad Subregional Command sa Sityo Malagsim, Barangay Rogogon, Iligan City. Dumaan sa naturang tsekpoynt ang isang motorsiklong may lulang tatlong sundalo na pinahinto ng mga Pulang mandirigma. Pero sa halip na huminto, pinutukan ng mga sundalo ang BHB, kaya’t gumanti ang huli. Patay ang isang sundalo at sugatan ang isa niyang kasama.
Northeastern Mindanao. Ganap na ala 1:30 ng hapon noong Nobyembre 13, hinuli ng mga kasapi ng BHB-NEMR sina Police Officer 2 (PO2) John Paul Doverte at PO2 Alfredo Degamon sa Barangay Bad-as, Placer, Surigao del Norte dahil sa kanilang pangingikil at pagbebenta ng iligal na droga.
Noong Nobyembre 9, inambus ng BHB ang isang kolum ng Special Forces Battalion (SFB) sa Sityo Bakilawan, Bayugan City, Agusan del Sur. Sa sumunod na araw, muli silang inambus ng BHB at tumagal ng dalawang oras ang labanan. Isang Pulang mandirigma ang namartir, habang hindi mabilang ang kaswalti ng kaaway.
Nireyd naman ng mga Pulang mandirigma noong Nobyembre 8 ang mga nag-ooperasyong tropa ng SFB sa San Roque, Kitcharao, Agusan del Norte. Napatay rito si 2nd Lt. Maurice Salavia Caballero at isa pang sundalo.
Noong Nobyembre 7, hinaras ng BHB ang isang kolum ng SFB at mga pwersa ng Bagani Force. Bilang ganti, nagpadala ng aerial support ang AFP. Ilang sundalo at paramilitar ang napatay, kabilang ang paramilitar na si Marcos Belandres, isa sa mga nagmasaker sa mga lider-Lumad sa paaralang Alcadev noong 2015. Marami ang sugatan sa AFP.
Noong Nobyembre 6, inambus ng mga Pulang mandirigma ang mga elemento ng CAFGU sa Sityo Logdeck, Brgy. San Isidro, Lianga, Surigao del Sur. Nasamsam nila ang dalawang M16, isang garan at isang karbin. Tatlong CAFGU ang napatay at isa ang sugatan.
Ilocos-Cordillera. Noong Nobyembre 18, hinaras ng isang yunit ng BHB-Abra (Saulo Lumadao Front) ang mga nag-ooperasyong yunit ng 24th IB, alas-5:10 ng hapon, sa Barangay Danac, Boliney, Abra.
Hinaras naman ng isang yunit ng BHB-Ilocos Sur (Benguet-Abra-Mountain Province-Ilocos Sur Command) ang mga sundalo ng 81st IB sa Barangay Patiacan noong Oktubre 15. Nagresulta ang operasyon sa pagkamatay ng isang sundalo at pagkasugat ng isa pa. Una na nilang pinaputukan ang naturang yunit sa Barangay Patungcaleo noong Oktubre 9.
Inokupa ng mga pinagsanib na pwersa ng 81st IB, RPSB ng PNP at CAFGU ang mga barangay ng Lamag, Patungcaleo, Patiacan at Legleg sa Quirino, Ilocos Sur mula Setyembre.
Ang pagbira sa mga tropa ng Community Support Program Team sa Patungcaleo at Patiacan ay bahagi ng suporta ng BHB sa paglaban ng mamamayan ng Quirino at Cervantes sa mga mapandambong na kumpanya ng minahan at sa mga pasistang tropa ng mga sundalo at kapulisan.
Noon namang Nobyembre 12, tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Abra (Agustin Begnalen Command) ang mga sundalo ng 24th IB sa pagitan ng Barangay Beew at Kili, sa bayan ng Tubo, Abra. Tatlong sundalo ang nasugatan.
Sa sumunod na araw, Nobyembre 13, pinuntirya ng isang yunit ng BHB ang dalawang helikopter at diniskaril ang pagbababa ng mga ito ng suplay para sa mga tropang nag-ooperasyon sa lugar.
Ang mga aksyong militar na ito ay nagsisilbing babala sa mga planong pangangamkam at pagpasok ng mga makadayuhang proyekto sa ilalim ng “Dutertenomics”. Ang mga bayan ng Tubo, Manabo, Luba, Boliney, Bucloc, Daguioman, Sallapadan, at Licuan-Baay ay planong pasukin ng proyektong Pan Pacific Renewable Power Philippine Corp. para sa proyektong geothermal energy na sasaklaw sa 49,000 ektaryang lupaing ninuno ng mamamayang Tingguian.
Bicol. Inambus ng isang yunit sa ilalim ng BHB-Masbate (Jose Rapsing Command) ang grupo ng Provincial Operation for Socio Economic Development Against Crime (POSDAC) noong Oktubre 31 dahil sa kontra-mamamayang mga aktibidad nito. Nakumpiska ng BHB ang isang M16, isang kalibre .357 na pistola at mga bala.
Maraming kasong kriminal laban sa POSDAC ang nakasampa sa hukumang bayan, kabilang ang pangingikil sa maliliit na mangingisda. Kapag hindi makapagbigay ng halagang hinihingi ng POSDAC, kinukuha nito ang mga bangka ng mga mangingisda, at kung hindi matubos ay sinusunog. Sa isang pagkakataon, maging ang reserbang elisi, 870 litrong krudo, 14 na banyera, halagang P8,000 at mga selpon ay kinuha ng POSDAC.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/20171121-mga-armadong-aksyon-ng-bhb-sa-mindanao-at-luzon/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.