Wednesday, July 5, 2017

CPP/NDF-Bicol: Misengkwentro sa pagitan ng BHB sa Caramoan, Walang Katotohanan

NDF-Bicol Region propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 4): Misengkwentro sa pagitan ng BHB sa Caramoan, Walang Katotohanan



Maria Roja Banua, Spokesperson
NDFP Bicol Region (Region V)

4 July 2017

Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang walang patumanggang pagpapakalat ng 9th IDPA at mga kasabwat nito sa kapulisan ng mga pekeng balita upang pagtakpan ang kabiguan nilang pahinain ang rebolusyonaryong kilusan sa Kabikulan. Pinatutunayan ng sunud-sunod nilang kasinungalingan na wala silang ni katiting na respeto at pagkilala sa kakayahang magsuri ng midya at madla.

Pekeng Balita ng Misencounter sa Caramoan, Camarines Sur

Hinugot sa hangin ang napabalitang engkwentro sa pagitan ng dalawang tropa ng NPA-Bikol sa pagitan ng Brgy. Hanopol at Brgy. San Roque, Caramoan noong Hulyo 1, 7:30 ng gabi. Walang naganap na labanan at walang presensya ng mga kasama sa naturang lugar sa panahong nabanggit. Gagamitin lamang ng kasundaluhan ang pekeng balitang ito upang manggulo sa mga komunidad ng Caramoan at libreng makapanggalugad sa kanayunan nito.

Pekeng Balita Hinggil sa mga Command Detonated Explosives (CDX) ng rebolusyonaryong kilusan

Ipinagyayabang ngayon ng 9th IDPA ang gagawin nilang disposal sa tatlong CDX na nasamsam umano nila sa nakaraang labanan sa Ligao, Albay noong Hunyo 12. Walang kapaguran ang kanilang mga upisyales at tagapagsalita sa pagpapaulit-ulit na delikado ang naturang mga CDX dahil sensitibo umano ito sa iba’t ibang trigger at kung gayon ay maaaring aksidenteng mapaputok at makapinsala sa mga sibilyan. Ngunit narito ngayon ang dibisyon at ipinamamalita ang gagawin nilang disposal at detonation sa nabanggit na mga CDX.

Hindi tumutugma sa nauna nilang mga pahayag na bigla na lamang sasabog ang mga CDX sa pinakamaliit at pinakamahinang mga trigger ang sinasabi nila ngayong kinakailangan pang isailalim sa proseso ng disposal ang hawak nilang mga pampasabog. Lumipas na ang halos isang buwan ngunit wala ni isa sa sinasabing hawak nilang mga CDX ang aksidenteng sumabog. Walang ibang pinapatunayan ang kanilang palabas na disposal kundi ang mataas na kalidad at abanteng teknolohiyang nakalakip sa bawat likhang CDX ng pulang hukbo.

Kahiya-hiyang matapos pagbuhusan ng panahon ng kasundaluhan ang pagpapalaki ng isyu ng CDX at paninira rito ay matatalisod lamang sila sa sarili nilang mga salita. Tunay ngang habang lalong nagiging pasikut-sikot ang kasinungalingan ay lalo rin itong nagiging mahirap pangatawanan.

Nananawagan ang NDF-Bikol sa 9th IDPA na tigilan na ang malisyosong pagpapakalat ng mga pekeng balita para lamang may mailabas na datos. Nananaginip nang gising ang kasundaluhan kung inaakala nilang mayroon silang mapaniniwala sa kanilang mga kasinungalingan. Mataas ang respeto ng rebolusyonaryong kilusan sa angking talino ng mamamayan. May kakayahan ang masa at ang midya na suriin ang bawat panig at matalinong bumuo ng opinyon batay sa obhetibong kalagayan.

Hanggat walang lubay ang pagsulpot ng mga pekeng balita pinasisimunuan pa mismo ng hukbong sandatahan ng Pilipinas, nariyan ang hamon sa lahat na maging mapanuri. Gayundin, ngayon higit kailanman kinakailangang tupdin ng mga alagad ng midya ang mandatong maghatid ng patas at balansyadong pagbabalita sa taumbayan. Kaisa ng mamamayan ang buong kilusan sa pagtupad sa tungkuling ito. Makakaasa ang lahat na mananatiling tapat ang CPP-NPA-NDFP sa paglilingkod sa sambayanan.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.