Tuesday, June 30, 2015

Pambobomba sa militar naudlot, NPA nahuli

From the Mindanao Examiner (Jun 30): Pambobomba sa militar naudlot, NPA nahuli

Hawak ngayon ng pulisya ang isang isang rebeldeng New People’s Army matapos itong madakip habang naghahandang pasabugin ang dalawang bomba na itinanim nito sa daraanan ng mga sundalo sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley.

Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na kasalukuyang iniimbestigahan si Rito Lucnod na nahuli sa Barangay Araibo nitong hapon ng Lunes. Nabigla pa umano si Lucnod ng malamang napaligiran na siya sa madamong bahagi ng barangay ng mga sundalong mula sa 28th Infantry Battalion.

Hindi na nakuha pa ni Lucnod na pasabugin ang mga bomba.

“The soldiers recovered two unexploded IEDs with blasting caps, triggering device and 100 meters electric wire from Lucnod. The local PNP is now filing for illegal possession of explosives and other appropriate charges against the bandit,” ani Caber.

Sinabi pa nito na umabot na sa 56 na mga IEDs o improvised explosive device na itinanim ng NPA ang nabawi ng militar sa ibat-ibang lugar sa eastern Mindanao mula pa nitong taon. Nakikipaglaban ang NPA upang maitatag ang sariling estado nito sa bansa.

http://mindanaoexaminer.com/pambobomba-sa-militar-naudlot-npa-nahuli/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.