NDF propaganda statement posted to the CPP Website (May 31): Koordinadong Taktikal na Opensiba, Isinagawa ng BHB sa Sorsogon at Camarines Sur !
Sa loob ng dalawang araw, Mayo 29-30, magkasunod na isinagawa ng BHB sa magkahiwalay na operasyong militar laban sa kaaway sa ilalim ng tropa ng 9th IDPA. Nagresulta ito ng Pagkamatay ng tatlong myembro ng militar at pagkasugat sa labanan ng isa pa.
Sa Prubinsya ng Sorsogon:
Matagumpay na inilunsad ng pulang mandirigma sa ilalim ng Celso Minguez Command- BHB Sorsogon ang operasyong ambus kontra sa tropa ng 31st IBPA na kasalukuyang naglulunsad ng Peace and Development Team (PDT) sa ilang bahagi sa bayan ng Gubat, Sorsogon noong Mayo 30, 2015. Bandang alas-otso ng umaga nang tambangan ng isang tim ng pulang mandirigma ang dalawang myembro ng PDT Team sa Brgy. Benguet, Gubat, Sorsogon. Kinilala ang mga ito na si PFC Ardy Tunge 25 taong gulang at PFC Gerry Gorda na siyam (9) na taon nang nasa serbisyo. Sugatan sa operasyon ng BHB si PFC Tunge at agad namang namatay si PFC Gorda. Habang ligtas na naka-atras sa lugar ang mga pulang mandirigma.
Matagal nang nirereklamo ng mga residente ang presensya ng militar sa lugar dahil sa matinding takot na idinudulot nito sa mamamayang Sorsoganon. Hindi na bago para sa mamamayan Gubatnon ang mapanlinlang na programa na dala ng PDT sa kanilang baryo at ang pagsuot ng magarang maskara ng 31st IBPA upang pilit nang pagtakpan ang berdugong mukha nila at hugasan ang madugong kamay dahil sa sunod-sunod na pagpaslang ng mga magsasakang lumalaban.
Sa Prubinsya ng Camarines Sur:
Nitong Mayo 29, 2015 naman, nang isagawa din ng isang tim ng Norben Gruta Command sa ilalim ng Eduardo Olbara Command-BHB Camarines Sur ang parusang kamatayan kay Cafgu Alan Madrilejos, 39 taong gulang sa Centro ng Casay sa Bayan ng Lupi, Camarines Sur. Ipinataw ang parusang kamatayan ng Hukumang Bayan ng Camarines Sur kay Madrilejos dahil sa pagiging embwelto nito sa Droga at aktibong asset ng militar.
Kasabay nito, bandang alas-10:40 ng umaga isinagawa din ng isang tim ng pulang mandirigma ang parusang kamatayan na ipinataw ng hukumang bayan kay Cafgu Rayno Merando sa Brgy. Panggasuan, Libmanan, Camarines Sur dahil sa mabibigat na kasong nagawa nito laban sa rebolusyonaryon kilusan at mamamayan. Pagiging aktibong asset ng militar at pagiging embwelto din nito sa operasyong kubkub ng 42nd IBPA laban sa BHB noong 2010 at ang huli nitong 2015 sa brgy. Udoc, Libmanan, Camarines Sur na nagresulta sa pagkamatay ng isang magsasaka.
Ang koordinadong Operasyon ng mga Pulang Mandirigma ay tugon sa hinahangad ng mamamayang Bikolano laban sa sunod-sunod na pang-aabuso ng tropa ng 9th IDPA. Sagot din ito ng Bagong Hukbong bayan sa Rehiyon para sa Pambansang panawagan ng rebolusyonaryong kilusan na paigtingin ang pagsusulong ng pakikidigmang gerilya upang makamit ang mga rekisitos sa tungo sa Estratihikong Pagkapatas !
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
Mabuhay ang mamamayang Bikolano!
Maria Roja Banua
Tagapagsalita- NDF-Bicol
Ipinaskil ni NDFP Bicol Information Office sa 6:32 PM
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150531_koordinadong-taktikal-na-opensiba-isinagawa-ng-bhb-sa-sorsogon-at-camarines-sur
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.