Wednesday, October 29, 2014

CPP/NPA: Impormer ng PNP, pinarusahan sa Legazpi City

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Oct 25): Impormer ng PNP, pinarusahan sa Legazpi City
Logo.bhb
Florante Orobia
Spokesperson
NPA Albay Provincial Operations Command (Santos Binamera Command)
 
Pinarusahan ng kamatayan si Antonio Asaytuno, masigasig na impormer ng PNP noong Oktubre 22, 2014 sa Brgy. Banquerohan, Legazpi City.

Ginamit na impormer si Asaytuno ng tropang 2nd Manuever Platoon, Police Public Safety Company (PPSC) na nagdetatsment sa Brgy. Imalnod, Legazpi City noong nakaraang dalawang taon. Si Asaytuno ay nagpahamak sa ilang sibilyang magsasaka na naninirahan sa ilang baranggay sa palibot ng nasabing detatsment. Itinuro ni Asaytuno ang mga sibilyan na pinaratangan na NPA supporters ng tropa ng PPSC.

Kasabay si Asaytuno ng tropa ng PPSC nang tinangkang dukutin at bugbugin si Rogelio Trilles Jr., isang sibilyan na residente ng Brgy. Banquerohan. Bugbog-sarado si Trilles na hindi nadukot ng pulis dahil nanlaban ito. Naganap ito noong Nobyembre 2013. Pinilit nila si Trilles na umaming kasapi ng NPA ang bayaw niya na nadamay lamang sa isang engkwentro sa pagitan ng PPSC at isang tim ng BHB noong Nobyembre 2, 2013 upang pagtakpan ang kanilang atrosidad. Nang magreklamo sa konseho ng baranggay si Trilles, si Asaytuno pa ang nagtakip sa kasalanan ng mga salaring pulis sa pagsinungaling na mga tambay sa baryo lamang ang nambugbog kay Trilles.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20141025_impormer-ng-pnp-pinarusahan-sa-legazpi-city

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.