Wednesday, October 29, 2014

CPP/NPA: Babaeng magsasaka sa Legazpi City, pinagbantaan ang buhay ng tropang AFP

NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Oct 26): Babaeng magsasaka sa Legazpi City, pinagbantaan ang buhay ng tropang AFP


Logo.bhb
Florante Orobia
Spokesperson
NPA Albay Provincial Operations Command (Santos Binamera Command)
 
Babaeng magsasaka na residente ng Sitio Misua, Brgy. Banquerohan. Legazpi City, ang panibagong biktima ng paglabag sa karapatang-pantao ng tropang AFP sa Albay. Si Maricel Trilles Lorilla, 33 taong gulang, byuda, ay tinakot at dalawang beses na pinagbantaan ang buhay ng tropang AFP na nag-ooperasyon sa kanilang baranggay.

Noong tanghali ng Oktubre 23, 2014, nadatnan ni Maricel Lorilla sa sentrong baryo nila ang isang grupo ng unipormadong sundalo na armado ng ripleng M16 armalayt at ang ilan na armado ng maiksing baril ay nakasuot ng pansibilyang damit. Walang permisong kinunan siya ng mga ito ng litrato at pagkatapos ay pinagbantaan sa pagsasabing “Una-unahan lang yan Misis, gantihan lang yan at huwag kang makakasiguro sa buhay mo.” Hinarang pa ng mga unipormadong militar ang traysikel na sasakyan sana ni Maricel paalis, pinababa siya at binawalan siyang sumakay.

Noong hapon ding iyon, pinuntahan na ng unipormado at armadong tropang AFP ang bahay ni Maricel Lorilla, at pilit na gustong pumasok kahit walang search warrant. Hindi umayag si Maricel at muli siyang pinagbantaan ng tropang AFP dahil kasapi diumano siya ng BHB.

Ang Brgy. Banquerohan ay malapit lamang sa detatsment ng 22nd IBPA sa Brgy. San Francisco, Legazpi City.

Nagsimula ang paulit-ulit na pananakot ng militar sa buhay ni Maricel Lorilla nang madamay sa isang engkwentro ng 2nd IBPA at yunit ng BHB sa kanilang baranggay ang kanyang asawa na isa ring magsasaka at sibilyan. Nang mapatay ng militar noong Nobyembre 2, 2013 ang asawa ni Maricel, pinalabas nila na kasapi ito ng BHB para pagtakpan ang kanilang atrosidad laban sa mga sibilyan sa lugar.

Hinihikayat ng Santos Binamera Command ang mga indibidwal at grupo na nagtatanggol ng karapatang-pantao at karapatan ng kababaihan na tulungan si Maricel Lorilla para sa kaligtasan niya at ilantad at labanan ang abuso ng tropang AFP/PNP. Si Maricel Lorilla ay isang sibilyan at hindi kasapi ng BHB.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20141026_babaeng-magsasaka-sa-legazpi-city-pinagbantaan-ang-buhay-ng-tropang-afp

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.