Saturday, September 20, 2014

Sayyaf nagpasabog ng 2 bomba sa Lamitan City

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Sep 20): Sayyaf nagpasabog ng 2 bomba sa Lamitan City

Dalawang bomba ang pinasabog ng Abu Sayyaf sa tabi ng kalsada sa Lamitan City sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Walang nasaktan o nasawi sa pagsabog ng improvised explosive device kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Kulay Bato.

Magkasunod itong sumabog at ayon sa army ay target umano ng Abu Sayyaf ang Department of Public Works and Highway na matagal ng hinihingian ng salapi ng teroristang grupo.

Halos mawasak at tumumba naman ang isang poste sa lakas ng pagsabog ng bomba. Walang umako sa panibagong karahasan ng Abu Sayyaf, ngunit hindi naman mabatid kung paanong nakalusot ito sa pulisya.

Wala rin pahayag na inilabas ang Western Mindanao Command ukol sa pagsabog, ngunit ito ay naganap kasabay ng anunsyo ng militar sa pagkakatatag ng “Joint Task Force ZAMBASULTA” na siyang tututok sa banta ng terorismo at rebelyon sa Zamboanga City, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Ang hepe ng Naval Forces Western Mindanao na si Rear Admiral Reynaldo Yoma ang tumatayong commander ng joint task force.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/09/sayyaf-nagpasabog-ng-2-bomba-sa-lamitan.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.